Default Thumbnail

2 lalaki, tusta sa kuryente

May 8, 2023 Zaida I. Delos Reyes 267 views

PATAY ang dalawang lalaki matapos na makuryente habang inaayos ang nasirang water pump sa Dinas, Zamboanga del Sur.

Nakilala ang mga biktima na sina Joey Villaces, 35, at kapitbahay nitong si Manolo Navacilla, 52, pawang mga residente ng Barangay Legarda Dos sa nasabing lalawigan.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, inaayos umano ng dalawa ang isang sirang warter pump, hindi kalayuan sa main switch nito.

Gayunman, bigla na lamang umanong binuksan ng ama ni Joey ang main switch dahilan upang makuryente ang mga ito.

Agad na dinala ang dalawa sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ang mga ito.

Pinag-aaralan naman ng kaanak ng nakakatandang biktima kung magsasampa sila ng kaso dahil sa kapabayaan na nagresulta sa insidente.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.