
2 lalaki arestado sa pagdadala ng shabu, balisong sa MPD checkpoint
DI na nakapalag pa ang dalawang lalaki na naaresto sa isinagawang checkpoint ng Bacood PCP MPD Station 8 matapos marekober ang dalawang sachet ng shabu at isang balisong sa kanilang sinasakyang tricycle.
Kinilala ang naarestong lalaki na sina Jhon Paul Matela Espanya, 28, ng 123 Aglipay St., Mandaluyong, at Russel Panganiban Paraiso, ng 125 Aglipay St., Mandaluyong.
Binabaybay ng dalawang suspek galing ng Mandaluyong ang kahabaan ng Lubiran Bridge lulan ng kanilang sinasakyang tricycle ng bigla silang nabulaga ng mga operatiba habang nagsasagawa ng checkpoint sa boundary ng Mandaluyong at Sta Mesa ng nasabing tulay,.
On the spot na inaresto ang mga suspek ng mga kapulisan na sina PCpl. Gerick Son Paningbatan, PCpl. Rojane Gaspar, PCpl. Jomar Bustillos, PCpl. Jayson Monsales at PCpl. Raymond Catchillar matapos na masita ang kanilang sinasakyang tricycle dahil sa pag mamaneho ng walang lisensya ni Paraiso.
Agad naman silang kinapkapan ng mga operatiba kung saan dito na narekober ang dalawang sachet ng shabu at isang balisong.
Agad namang dinala ang dalawang suspek sa MPD Station 8 sa ilalim ni PLt. Col. Jonathan Robert Rongavilla upang isailalim sa imbestigasyon.
Ayon kay MPD Director PBGen. Leo “Paco” Francisco, lalo pang papaigtingin ang pagsasagawa ng checkpoint operations sa mga boundary ng Lungsod ng Maynila upang maiwasan ang pagpasok ng mga illegal na kontrabando kabilang ang illegal na droga.
Nagpaabot din ng mensahe si NCRPO Chief Maj. Gen. Vicente D. Danao Jr. na laging mag- iingat sa kanilang mga operations at kabilin-bilinan nito na wag makisabwatan sa mga abusadong pulis at umiwas sa mga illegal na gawain tulad ng pangungutong,,kidnapping at pagbebenta ng mga illegal na droga upang maging maayos at mapayapa ang paglilingkod nila sa mamamayan. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES