Posas

2 laglag sa boga, droga sa Rizal

July 2, 2024 Jojo C. Magsombol 294 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Arestado kamakalawA ang dalawang hinihinalang tulak ng droga at baril sa Brgy. Ang Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal, ayon sa report ni Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun kay Police Regional Office (PRO)-4A director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.

Tiklo ang mga suspek na sina alyas Sammy at alyas Ali sa buy-bust ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Antipolo Component City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Maraggun, anim na sachet na may laman na limang gramo ng shabu na may halagang P34,000; isang caliber 9mm, tatlong bala, cellphone at buy-bust money ang narekober sa dalawang suspek.

AUTHOR PROFILE