
2 kelot sakote sa P292K shabu
KAMPO MAJOR/HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Tiklo ang dalawang lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga ng San Mateo police noong Martes.
Nadakma ang mga suspek na sina alyas Paulo, 35, at alyas Manoy Dong, 31, matapos bentahan ng iligal na droga ang pulis na nagpanggap na buyer.
Narekover sa mga suspek ang 43 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P292,400.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng San Mateo Custodial Facility at dadalhin sa Provincial Forensic Unit (PFU) kasama ang mga nakumpiskang ebidensya.