
2 kelot huli sa droga
DALAWANG lalaki ang natimbog ng mga operatiba ng Manila Police District-Station Drug Enforcement Unit (MPD-SDEU) dahil sa pag-iingat ng shabu sa buy bust sa Brgy. 719 sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila noong linggo.
Kinilala ni Police Lieutenant Col. Nelson Cortez, hepe ng MPD Malate Police Station 9 ang mga suspek na sina alyas Leeward, 19 at alyas Mata, 42.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang lalaki.
Narekober sa dalawang suspek ang mahigit na 15 gramo ng shabu.