Posas

2 drug suspek huli ng NCRPO

May 12, 2024 Alfred P. Dalizon 189 views

DALAWANG suspek sa pagbebenta ng shabu ang nahuli sa buy bust ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Miyerkules ng gabi, napag-alaman ng People’s Tonight.

Kinilala ni NCRPO director Major General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang dalawang akusado na sina alyas Fahad, 24; at Jay, 21.

Sinabi ng opisyal na nahuli ang dalawa sa narcotics operation bandang alas-8:40 ng gabi noong Huwebes sa Magsaysay Extension malapit sa kanto ng Maguindanao Street, Barangay New Lower Bicutan sa Taguig City.

Nasamsam sa dalawa ang humigit-kumulang 250 gramo ng shabu na may standard drug price na P1. 7 milyon.

Nakakulong sa lock-up facility ng NCRPO-RDEU sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City ang dalawa na nahaharap sa mga non-bailable na kaso ng pagbebenta at pagiingat ng ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga kaso ay isinampa ng NCRPO-RDEU sa Taguig City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE