
2 dedong kelot balot ng duct tape mukha nakita sa Rizal
ANG bangkay ng dalawang lalaki na nakabalot sa nylon bag ang katawan at nakabalot ng duct tape ang mukha ay natagpuan sa Sitio Udiongan, Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal noong Miyerkules.
Hindi pa nakikilala ang mga biktima na nadiskubre dakong alas-6:00 ng umaga ng isang concerned citizen.
Ayon sa Rodriguez police, hinihinalang pinahirapan muna ang dalawang biktima bago pinatay ng mga hindi nakikilalang salarin.
Itinapon ang mga katawan sa madamong parte ng lugar.