Egay

180, 439 apektado ng hagupit ni Egay, habagat

July 26, 2023 Zaida I. Delos Reyes 309 views

UMAKYAT na sa 44, 356 pamilya na binubuo ng 180,439 katao mula sa 261 barangays sa iba’t ibang panig ng bansa ang naapektuhan ng pananalasa ng super tyhoon Egay at hanging habagat.

Sinabi ni Office of Civil Defense Operation Certer Director Cesar M. Idio na nasa 2,324 pamilya na kinabibilangan ng 8,917 katao ang nasa loob ng 107 evacuation centers habang nasa 472 pamilya o 2124 katao ang nasa labas ng evacuation centers.

Ang naturang mga evacuation centers ay matatagpuan sa Region 1, 3, Calabarzon, Mimaropa , 5, 6, 10 at 12.

Iniulat din ng opisyal na may isang tao ang nasawi at isa ang nasugatan dahil sa flashflood sa Cardona, Rizal. Isang tao rin ang nasugatan matapos matabunan ng mga bago sa soil erosion incident sa Navas, Aklan.

Nakapagtala din ang ahensya ng 16 na insidente ng landslides, 108 pagbaha, limang soil erosion, apat na insidente ng pagkabuwal ng mga puno sa iba’t ibang rehiyon na tinamaan ng hagupit nina Egay at habagat.

Nasa 51 cities at municipalities ang nawalan ng kuryente dahil sa lakas ng bagyo habang nagkaroon din ng water interruption sa Bicol Region.

Nasa 30 domestic flights din ang nakansela sa Regions 1, 2, NCR, CAR at MIMAROPA at 97 seaports ang apektado sa iba’t ibang lugar ng bansa.