Default Thumbnail

17 truck drivers na lango sa droga timbog ng LTO

November 23, 2021 Jun I. Legaspi 408 views

LABING PITO pang mga truck drivers na lango sa illegal drugs habang nagmamaneho ang dinakip ng Land Transportation Office-Law Enforcement Service (LTO-LSE) sa apat na araw “Oplan Ligtas Kalsada” operations sa Bicol regin at Quezon province, ayon sa mataas na opisyal ng agency.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Clarence V. Guinto, LTO-LES director, sa isang interview.

Sinabi ni Guinto na ang mga dinakip na drivers sa random operations ay positive sa illegal drugs (shabu) ayon na rin sa resulta ng drug testing sa tulong ng Philippine National Police-Crime Laboratory personnel na kasama sa operations.

Sa report ni Guinto kay Assistant Secretary at Chief ng LTO Edgar Galvante, apat ang hinuli sa Pamplona, Camarines Sur, anim sa Polangi, Albay, tatlo sa Matnog Sorsogon at apat din sa Gumaca, Quezon.

Ayon pa kay Guinto, lahat ng mga truck ay mga long vehicle na mga kargamentong nagdadala ng isda, agricultural products, at iba pang mga essential prime commodities, na itinatawid sa Mindanao at Visayas.

Pinaniniwalaang ang mga drivers ay kumukuha ng lakas sa mga illegal drugs para mapaglabanan ang puyat at pagod sa mahabang mga biyahe.

Ayon kay Guinto lahat ng 17 drivers na nahuli ay properly turned over sa local PNP para sa investigation at disposition.

Dagdag pa ni Guinto padadalhan din nila ng mga information ang mga may-ari ng mga trucks na nahuli kaugnay sa serious violation ng kanilang mga drivers at posibleng papanagutin din.

“Tulad ng sinabi natin napakahala ng buhay, “ISA” lang ito, kaya kami sa agency ay talagang ginagawa ang dapat upang maingatan ang buhay ng lahat ng inosente. Hanggang nandito kami bilang mga public servants wawalisin natin lahat ng mga erring drivers na gumagamit ng illegal drugs habang nagmamaneho,” saad ni Guinto.

Mariing nanawagan din si Guinto sa lahat ng mga truck operators at owner na maging extra-vigilant sa pagsisiguro na ang kanilang mga drivers ay 100% physically, emotionally at spiritually conditioned bago, kasalukuyan at matapos ang biyahe.

Ayon kay Guinto, patuloy ang operations ng Oplan Ligtas Kalsada ng agency nationwide.

AUTHOR PROFILE