Lim Si Hanzley H. Lim (may hawak ng microphone) habang nagpapapaliwanag sa harap ng mga conductors kung gaano kahalaga ang trabaho ng mga ito bilang katulong ng driver. Kasama rin sa paliwanag si expert instructor Joey Yap. Photo courtesy ng LTO-NCR

17 bus conductors nakinabang sa Conductor’s Theoretical Course

June 18, 2023 Jun I. Legaspi 420 views

LABINGPITONG bus conductors ang unang nakinabang sa Conductor’s Theoretical Course (CTC) na inilunsad ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) Driver’s Education Center, ayon sa mataas na opisyal ng agency.

Ayon kay Hanzley H. Lim, (LTO-NCR) Assistant Regional Director layun ng seminar na ginawa ang bigyan ng tamang edukasyon ang mga konduktor ng bus tungkol sa kanilang tungkulin at responsibilidad kaagapay ng pagtataguyod ng LTO “Safety First”.

Sa ginawang seminar sa LTO-NCR sa Head Office sa Araneta Avenue, Quezon City personal na pinangasiwaan ni Lim at ng expert instructor Mr. Joey F. Yap, ipinadama at ipinaliwanag mabuti sa mga conductors ang halaga ng kanilang trabaho bilang kasosyo, o tagapag asist ng mga driver ng public transport, tungkol sa kanilang particular na tungkulin at obligasyon upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero kasam ang driver at ang kanilang mga sarili.

Bilang mga partner ng mga drayber ng pampublikong sasakyan, kailangan maalam rin ang mga konduktor tungkol sa mga batas trapiko at lalo na kung paano makipag-ugnayan sa mga pampublikong pasahero,” sabi ni Yap.

Ang CTC ay sumasaklaw sa iba’t ibang paksa, kabilang ang Republic Act 4136, na nag-uugnay sa mga batas sa daan at trapiko at mga palatandaan sa trapiko. Ito rin ay sumasakop sa mga paksang tulad ng pribilehiyo sa pamasahe, pangunahing pagiging magalang sa mga pasahero, sensitibo sa kasarian, pagkarga ng kargamento, at ang pagmamaintain at pagkasira ng mga pampublikong sasakyan.

Samantala, inanunsyo ni Lim, na ang mga seminar ng CTC ay gaganapin din sa mga kinauukulan DECs ng Pasay City Licensing Center at LTO-PITX na matatagpuan sa Paranaque City.

Idinagdag ni Lim na ang paglulunsad ng mga seminar ng CTC ng LTO-NCR ay ginawa kaayon sa programa ni DOTr Secretary Jaime “Jimmy” J. Bautista, LTO OIC-Assistant Secretary Atty. Hector A. Villacorta, at LTO-NCR Regional Director Roque I. Verzosa III, na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan sa kalsada.

Bukod dito, isinagawa rin ng Quezon City Licensing Center (QCLC) DEC ang kanilang sariling CTC sa LTO Compound sa East Ave., Quezon City, kung saan 18 mga kalahok ang tumanggap ng kanilang mga sertipiko ng CTC noong Hunyo 9, 2023.

Ayon QCLC Chief Chief Mercynita B. Paras magiging bukas ang QCLC para sa mga walk-in tuwing Biyernes at binigyang diin ang malaking tagumpay sa paglabas na ng 115 CTC certificates sa sentro.

Ang pagkuha ng CTC certificate ay mandatory requirement para sa pagkuha ng lisensya ng konduktor na inilalabas ng LTO.

Ang mga bus company na naunang nakinabang sa seminar ay Victory Liner, Bataan Transit Bus Co., at Mari De Leon Transportation Inc.

AUTHOR PROFILE