PRC Larawan: Professional Regulation Commission/FB

15,684 katao pumasa bilang registered criminologists

March 7, 2024 People's Tonight 116 views

Umabot sa 15,684 ang bagong registered criminologists ng bansa matapos pumasa sa Licensure Examination for Criminologists nitong Pebrero 2024.

Ang mga miyembro ng Board of Criminology na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Ramil G. Gabao, chair; Lani T. Palmones at Warren M. Corpuz, mga miyembro.

Pumalo sa 48.27 percent ang passing rate dahil sa 15,684 ang pumasa mula sa 32,495 na examinees.

Nanguna sa naturang exam si Mark Angelo Marquez mula sa Notre Dame of Tacurong College, na nakakuha ng 91.30 percent.

Samantala, nanguna naman ang Tarlac State University pagdating sa pinakamataas na performance rate. Ito ay matapos makuha ng naturang pamantasan ang 100 percent — lahat ng 89 examinees ang pumasa.

Maaari namang ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1bVQ2K1GEd-0bpYwdWCRNT-pANP2QFa9j/view.

AUTHOR PROFILE