Default Thumbnail

13 foreign workers sa Las Pinas raid hiniling na ipagamot

July 2, 2023 People's Tonight 164 views

HINILING ng abogado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Las Pinas City sa pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipagamot ang 13 foreign workers ng Xinchuang Technologies Inc na nasaktan sa operasyon ng PNP-Anti-Cybercrime Group noong Hunyo 29.

Ang kahilingan ay ginawa ni Atty. Christian Vargas sa pamamagitan ng isang sulat na ipinadala kay NCRPO chief Major General Edgar Okubo.

Sa liham ni Atty.Vargas, hiniling niya na maipagamot ang 13 foreign workers kung saan tatlo umano sa mga ito ay dumanas ng pananakit ng mga operatiba at may impormasyon aniya sila na ang isa ay may tama pa ng bala kayat dapat na maipasuri sa doktor.

Kaugnay nito, sinabi ng abogado na may utos na ang Legal Affairs Division ng PNP – ACG na ipasuri sa medical team ang mga diumanoy nasaktan na banyagang manggagawa.

Iginiit ni Vargas na napakahalaga na agad ng masuri ng mga doktor ang mga manggagawa upang hindi na lumala pa ang kanilang kondisyon.

Ipinadala din ang naturang sulat kay PNP Chief Benjamin Acorda Jr., Police BGen. Sidney Hernia, director ng PNP – ACG at Police Maj. Gen. Jon Arnaldo, director ng PNP – Directorate for Intelligence.

AUTHOR PROFILE