Clark

1,296 nakakuha ng free med, dental service sa Clark

February 16, 2024 Bernard Galang 107 views

CLARK FREEPORT–Umabot sa 1,296 indibidwal sa Metro Clark, Pampanga, ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal, dental at surgical mula sa gobyerno at humanitarian groups.

Kinabibilangan ng mga dental, tumor removal, hernia repair at cleft lip treatment ang free medical service na ginanap noong Peb. 2 at 3 sa Brgy. Balubad, Porac, at Brgy. Sapangbato, Angeles City.

Nagbigay ng logistics, mga serbisyo sa transportasyon, seguridad at tulong sa koordinasyon para sa mga medikal, dental at surgical team papunta at mula sa venue ang Clark Development Corporation (CDC) sa pamumuno ng presidente at CEO nitong si Atty. Agnes VST Devanadera.

Nakiisa sa mission ang Philippine Medical Association in Chicago (PMAC), Hospital on Wheels (HOW), Luzon International Premier Airport Development (LIPAD) Corporation at iba pang pampubliko at pribadong organisasyon.

Naglalayong magbigay ng libreng tulong medikal ang PMAC, isang non-profit organization na itinatag noong Marso 27, 1961, sa mga pamilyang naninirahan sa mga lugar na kulang sa serbisyo sa buong Pilipinas.

Itinatag ni Dr. Jim Sanchez ang HOW, na isa ring non-profit na organisasyon. Isang mobile na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na naglalayong tugunan ang mga kondisyon tulad ng goiter, hernia, cleft palate, at mga tumor, magbigay ng paggamot, at bigyang kapangyarihan ang mga pasyente na may kaalaman para sa pangangalaga sa sarili ang HOW.

Tumulong sa programa ang Rotary Club of Angeles North, Clark Water Corporation, Goldilocks, Jollibee Foods Corporation, Mekeni Food Corporation, Municipal Government of Porac, City Government of Angeles, Barangay Balubad LGU at Barangay Sapang Bato LGU.

AUTHOR PROFILE