Aresto HULI–Ang narekober na mga buhay na manok na nasa trak habang sinisiyasat ng mga operatiba ng NBI matapos mag sagawa ng entrapment. Kuha ni Jon Jon Reyes

10 suspek sa pagnenok ng poultry products sakote

March 5, 2024 Jonjon Reyes 82 views

INARESTO ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang 10 tao na umano’y nagkutsabahan sa pagnanakaw ng poultry products sa Sta. Maria, Bulacan kamakailan.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rodel Gasca at Ronald Gumban, driver at helper, Roniel Victor Venturina, Lance Tyron Venturina, John Aldrin, Dave Venturina, Nelson V. Gadia Jr at Macper De Jesus Valino, Ronald Venturina, Joselito Venturina Sr. at Edward Venturina De Guzman, driver.

Inaresto ang mga suspek bunsod ng reklamo ng Foster Foods Inc (FFI) ng inilipat ng mga truck drivers at helpers ang global postioning system (GPS) na iniligay ng FFI sa kanilang trucks patungo sa kanilang decoy na sasakyan mula sa kanilang planta papunta sa mga destinasyon

Sa kanilang destinasyon, tumitigil sila sa New Bypass Road sa Sta. Maria, Bulacan na ini-refer sa kanila ng ‘sindikato’ kung saan nagaganap ang switching ng prime size na live chicken at ang bayaran na nagkakahalaga ng P40,000 hanggang P50,000 bawat isa.

Dahil dito, humingi ng tulong ang FFI sa NBI-OTCD na agad nagsagawa ng isang entrapment na nagresulta sa pagkaka aresto sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE