Zia

Zia, naghakot ng medalya sa swimming competition

July 29, 2023 Vinia Vivar 548 views

DingdongVery proud ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa panganay nilang anak na si Zia Dantes na humakot ng medalya sa sinalihang swimming competition.

Ibinahagi ng DongYan sa kani-kanilang Instagram ang mga video at photo sa katatapos na “Bert Lozada First Plunge Novice Swim Meet” kung saan ay nakipag-compete si Zia.

Of course ay present ang mag-asawa sa nasabing event para suportahan ang kanilang eldest daughter.

Mapapanod sa isang video na ibinahagi ni Marian ang actual paglangoy ni Zia at makikita ngang nangunguna ang anak sa mga batang kalaban.

“So proud of you ate Z,” Marian wrote.

Ipinakita rin ng DongYan ang video ng awarding ceremony kung saan humakot ng anim na medalya si Zia sa iba’t ibang kategorya.

Sa 25 meter-backstroke at 25 meter-freestyle ay parehong nag-first place si Zia habang 2nd place naman siya sa 25-meter butterfly at iba pang categories.

Sa isang photo ay makikitang hawak ni Dingdong ang anim na medalya ni Zia at nakalagay sa caption, “Proud Dada.”

Nakaka-touch din ang larawan na ipinost ni Dong kung saan ay makikitang hinahalikan ni Marian si Zia sa noo na tila binibigyan ng lakas ng loob bago makipag-compete.

“Behind the success of every aspiring athlete is the magic touch of their support team,” caption ni Dong.

Parehong naka-enrol sa swimming lessons ang dalawang anak nina Dindong at Marian na sina Zia at Sixto.

AUTHOR PROFILE