Zeinab Larawan mula sa IG/Zeinab Harake

Zeinab pantasya rin ng mga babae

April 1, 2024 People's Tonight 79 views

HINDI lang mga barako ang nahahatak ng mapang-akit na alindog ng social media personality na si Zeinab Harake dahil maging ang mga kapwa niya babae ay talaga namang humaling na humaling din sa kanya.

Sa kanyang Instagram page nitong nagdaang Holy Week, tiyak na naging makasalanan ang ilang netizens sa pagpapantasya nila sa ibinanderang kaseksihan ni Zeinab.

“yes and?” ayon sa maikling caption niya sa kanyang post.

Makikita sa ibinahaging mga larawan na naka-panty at bra lang ang vlogger-turned-actress habang todo-awra sa isang sofa. Wild kung ituring ang mga pose at facial expression nito na para bang isang pain na sure na sure mahuhuli ang atensyon ng madla.

Bukod sa ganda ng hubog at mukha ng ‘Kampon’ actress, nakadagdag pa sa kanyang kariktan ang pagsusuot ng wig na blonde.

Hindi nga lang mga kalahi ni Adan ang naakit ng tukso ni Zeinab dahil maging ang mga kalahi ni Eba ay bet na bet na rin siyang kagatin.

Sa kanyang comment section nagwala ang netizens dahil sa inihain niyang katawan. Narito ang ilang komentong mababasa mula sa nasabing post: “Hala bat nagiging tomboy ako,” “Straight ako pero damnnnnnnnnnn,” “Grabe nagpa init pa siya lalo,” “GRABEHAN talaga too!,” “Teh holy week di ka talaga nag pa awat?,” at “Para kang barbie! Apakagandaaa.”

AUTHOR PROFILE