
Zeinab binilhan ng P.2M luggage ang BF
IBINAHAGI ng social media personality na si Zeinab Harake sa kanyang Instagram story, ang pagbili niya ng isang luxury item para sa kanyang Filipino-American basketball player boyfriend na si Bobby Ray Parks, Jr.
Makikita sa litrato sa Instagram story ni Zeinab na nakayakap si “Daddy Ray” ng isang “Dior and Rimowa Carry On-Luggage” na Black Dior Oblique Aluminum, na nagkakahalaga umano ng $4,400 o mahigit ₱247,000.
“Happy ang daddy ko, bati na tayo ha, ganun bumawe!” sey ni Zeinab sa kanyang Instagram story.
Wala namang ibinahagi si Zeinab kung ano ang dahilan ng pagtatampo ni Daddy Ray sa kanya kaya binigyan niya ito ng branded luggage bilang peace offering. Kilig na kilig at masaya naman ang netizens para kay Zeinab dahil natagpuan na umano nito ang “true love.”