Zanjoe Zanjoe Marudo and Ria Atayde-Marudo

Zanjoe, Ria proud parents to a healthy baby boy

September 24, 2024 Eugene E. Asis 212 views
Sylvia
Sylvia Sanchez

CELEBRITY couple Zanjoe Marudo and Ria Atayde are now proud parents to a healthy baby boy.

Sa social media noong September 23, 2024, nag-upload ang Dirty Linen actor ng clip ng kanilang first born ni Ria habang itinutulak na isang hospital bassinet ang isang nurse.

Ayon sa caption: “Eto na! Officially Zaddy ka na Z [praying hands emojis]”

Nakatutuwa ring malaman na pare-pareho silang ipinanganak sa date na 23, si Zanjoe, July 23, habang si Ria, March 23.

Tuwang tuwa ang ina ni Ria, ang aktres ding si Sylvia Sanchez, ma kaagad ding nag-announce sa social media: “09-23-24 lola na ako!!! Yahoooo!!!”

Noong isang taon pa gustong magkaapo nina Sylvia at mister na si Art Atayde at inasahan nilang ang panganay nilang anak na si Arjo Atayde, aktor at kongresista, at misis nitong si Maine Mendoza ang makapagbibigay nito, pero naunahan pa sila ng bunsong si Ria at mister na si Zanjoe.

AUTHOR PROFILE