Zanjoe

Zanjoe kinantiyawan ni Sylvia

July 1, 2024 Vinia Vivar 45 views

Ang daming naaliw sa video na ipinost ni Sylvia Sanchez kung saan ay makikitang hinehele ng manugang na si Zanjoe Marudo ang alagang aso at tila nagpa-practice na ng pag-aalaga ng baby.

As we all know ay kasalukuyang buntis ang wifey ni Z na si Rita Atayde sa kanilang first baby.

Nakakatuwa ang aktor sa video dahil pasayaw-sayaw pa siya habang karga ang puppy.

“Meron na nagpapractice hahaha pwede na ‘nak,” caption ni Ibyang.

“Ang halakhak ko habang pinapanood ka @onlyzanjoemarudo O. Sarap na sarap naman sa pagkakaugoy mo sJi Yoda hahaha,” sey pa ng aktres.

Kinantiyawan din ni Ibyang ang manugang na baka hindi na ito lumabas ng bahay once na lumabas na ang baby nila ni Ria.

“Malamang hindi ka na aalis ng bahay niyo ni @ria pagwala kang trabaho, pag lumabas na si little boss ko,” aniya.

“Ramdam ko ang kasiyahan niyong mag asawa. Love you both,” mensahe pa ni Ibyang kay Z.

Kalakip din ng post ang ilang larawan ng mag-asawa kung saan ay makikitang malaki na ang tiyan ni Ria. Kitang-kita rin sa mga photo kung gaano nga kasaya ang soon-to-be parents.

AUTHOR PROFILE