
Ysabel pinakamaganda pag bagong gising — Miguel
Gusto sanang i-surprise ni Miguel Tanfelix ang girlfriend na si Ysabel Ortega na part na rin siya ng Beautederm family.
Pormal na ini-launch sina Miguel at Ysabel bilang ambassadors ng Belle Dolls last Tuesday along with two other Kapuso artists na sina Shaira Diaz and Sofia Pablo. Ginanap ang contract signing/media launch sa Novotel Hotel.
Mas naunang maging Beautederm baby si Ysabel kesa kay Miguel at sey nga ng aktor, ayaw muna sana niyang sabihin sa GF na endorser na rin siya nito.
“Gusto ko siyang i-surprise sa pictorial na part na po ako ng Beautederm, pero alam na niya po agad,” sey ni Miguel.
“Very happy po ako na magkasama po kami ni Ysabel kasi idol ko po si kuya EA,” dagdag pa ng aktor at natatawang itinuro si EA Guzman na naroroon din sa launching.
As we all know ay endorser na noon pa si EA ng Beautederm at ngayon ay pati na rin ang fiancee niyang si Shaira.
Patuloy ni Miguel, “I’m very happy and ang dami po kasi talagang ikinukwento sa akin ni Ysabel about sa mga experiences niya with Mommy Rei (Anicoche-Tan, CEO and president of Beautederm) and Beautederm, and sobrang proud po siya.
“Ako, curious ako kung ano ang pakiramdam bilang maging alaga ni Mommy Rei, and ‘yun na nga po, finally, naging part na po ako ng family, sobrang saya ko po.”
Nang malaman nga rin daw niya na ang ie-endorse niya ay ang coffee flavor ng Belle Dolls, mas lalo siyang natuwa dahil coffee lover daw siya.
Kinilig din ang entertainment press sa mga papuri ni Miguel sa kanyang girlfriend.
Sinabi kasi ni Ysabel na kapag bagong gising siya, ang feeling niya ay hindi siya maganda pero kinontra ito ng aktor.
“Para sa akin, ‘yun po ang pinakamagandang moment niya, honestly po, kasi walang make-up, walang everything,” ani Miguel.
Ang Belle Dolls Beaute Secret drinks ay may iba’t ibang flavor tulad ng Dark Chocolate Drink na may yummy rice crispies, Caramel Macchiatto Original Blend na tamang-tama sa mga coffee lover, Strawberry Lychee Flavoured Drink at ang Kiwi Avocado & Cucumber juice drink.
Kasama rin sa Belle Dolls ang Premium Vitamin C at Premium Glutathione.
Ayon naman kay Miss Rei, it took them more than one year para ma-perfect ang mga bagong produkto na ito at tamang-tama naman na this year ay ipinagdiriwang nila ang 15th anniversary ng Beautederm kaya ang Belle Dolls ang kanilang anniversary treat sa kanilang loyal users.