Ysabel

Ysabel Ortega bet makipag-collab kay Ryan Bang

August 18, 2023 People's Tonight 466 views

Inamin ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega kung sino ang gusto nitong makasama sa isang project.

Matapos ang opening performance nito sa noontime show na “It’s Showtime,” tinanong ni Kim Chiu ang guest performer na si Ysabel kung sino sa mga Kapamilya star ang gusto niyang makapareha sakali mang magkaroon siya ng crossover-type project.

Agad na sinabi ni Ysabel na wala nang iba kundi ang kanyang matagal nang kaibigang si Ryan Bang.

Aniya, “Kung pipili ako rito sa ‘Showtime,’ siyempre pipiliin ko na ‘yung matagal ko nang kakilala, si kuya Ryan (Bang).”

Sinabi ni Ryan na kilala niya si Ysabel mula pa noong 2009 dahil pareho silang nag-aral sa parehong high school, na kung saan naupo bilang president ng student council naman si Ryan.

Dagdag pa nito na close ang ito sa kanilang pamilya lalo na nitong pandemya.

Ayon pa kay Ryan, para na silang magkapatid ni Ysabel.

Nagpasalamat naman ang aktres sa patuloy na suporta ni Ryan sa mga proyekto nito. “Sobrang na-appreciate ko si Kuya Ryan kasi he’s always been so supportive sa‘kin, kaya sobrang thankful ako sa kanya.”

Bukod dito, lubos ding nagpasalamat ang aktres sa mainit na pagtanggap ng “It’s Showtime” family sa kanya.

“Grabe sobrang kinakabahan ako na nae-excite… kasi finally nakatapak na ako rito sa ‘Showtime’ studio,” ani Ysabel.

AUTHOR PROFILE