Ruffa

Yilmaz kina-career ang proposal at muling pagpapakasal kay Ruffa

March 12, 2025 Vinia Vivar 191 views

Mukhang wini-win back ngayon si Ruffa Gutierrez ng kanyang Turkish ex-husband na si Yilmaz Bektas.

Sa contract signing ng aktres kahapon bilang bagong ambassadress ng Luxe’s Skin, isa nga sa mga naitanong namin sa kanya ay kung bakit ‘boss’ ang tawag sa kanya ni Yilmaz sa isang Instagram reply nito sa kanya.

“Kasi ako ang boss niya. Hindi siya makahanap ng isang katulad ko. Hanap siya nang hanap sa buong mundo. As a matter of fact, he wanted to propose and get married to me again,” dire-diretsong sabi ni Ruffa.

Na-shock ang lahat sa tinuran ng aktres. At maging siya ay hindi rin makapaniwala, “I thought it was a joke,” aniya.

Dagdag pa niya, three months ago niyayaya siya ni Yilmaz na mag-train travel sila.

“Sabi ko, ‘is this a joke?’ (Sabi niya), ‘no, I want to invite you to be in a train with me’ and mag-train daw kami all over Europe. So, sabi ko, ‘totoo ba ‘to or baka he’s planning my murder on the plane or train,’” sey ni Ruffa. Tawanan ang press.

Sabi pa raw ni Yilmaz ay dadalawin siya dito sa Pilipinas.

“Sabi ko, ‘okay, you’re welcome to visit in the Philippines,’” tsika ni Ruffa.

So, nanliligaw ulit si Yilmaz?

“I won’t say that he’s courting me again. At least, we come to that decision na we can joke and be happy with one another,” saad ni Ruffa.

Asked kung sakali ba na talagang i-pursue siya ni Yilmaz ay bibigyan ba niya ulit ito ng chance, sagot ng aktres, “Matagal ko na siyang hindi nakikita, eh. The last time I saw him was, I don’t know, 18 years ago.”

Na-excite ba siya? Kinilig?

“Wala, natatawa ako,” aniya.

Natanong din kay Ruffa kung mayroon bang nagselos o na-threaten sa side niya?

“Ay, wala. Kasi ano, eh, confident din,” natatawa niyang sabi.

Of course, ang pinag-uusapan namin ay ang dyowa niya ngayon na knows naman ng marami kung sino.

As for Yilmaz, single raw ito.

“Wala. Si Yilmaz, alam mo, kahit na sa’ng lupalop siyang umikot sa buong mundo, iisa lang ang Ruffa at alam niya ‘yon,” anang aktres.

Nang tanungin kung mabibigyan ba niya ito ng chance if ever, sey niya ay wala at siguro ay talagang hanggang friends na lang sila.

“Ano lang, I always wish Yilmaz well. And I always wish that he becomes successful in life kasi his success is also the success of my kids. Ano lang kami, we’re best friends now,” sey pa ni Ruffa.

Nang makumusta ang estado ng puso niya, aniya ay steady lang at masaya naman siya and at peace.

“Wala akong stress, walang nawawala sa gabi na kailangang hanapin mo pa at wala ring nagbibigay sa akin ng ‘O, nasa’n ka na? Anong oras ka uuwi. Ayoko ng gano’n. My gosh, I’d rather be alone than be stressed!

“Happy ako sa life ko ngayon, thank you, Lord. Steady lang lahat, walang problema,” she said.

Samantala, as the new ambassadress of Luxe Skin, tatlong must-have products ang ine-endorse ng aktres — ang Skin Glowtion, Sofft Matte Lip Cream at Luxe Slim.

Ruffa also embodies the essence of Luxe Skin’s latest campaign, “I am G, Glowing Ruffa G” with CEO and founder Anna Magkawas at the helm.

AUTHOR PROFILE