Yassi Larawan mula sa IG/@yassipressman

Yassi sa isyung karelasyon niya si Sandro Marcos: ‘Matagal ko na po siyang kakilala’

September 17, 2023 People's Tonight 453 views

PINABULAANAN ng aktres na si Yassi Pressman ang kumalat na isyung nagkaroon sila ng relasyon ni Ilocos Norte First District Rep. Sandro Marcos.

Sa isang episode ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, diretsahang sinagot ni Yassi na hindi naging sila ng presidential son.

“Naging kayo ni Sandro Marcos?” tanong ni Boy Abunda.

“Hindi po, Tito Boy,” agad na sagot naman ng aktres.

“What was that? Why did people start to talk about it?” tanong muli ng King of Talk.

Paliwanag ni Yassi na nag-ugat daw ang usap-usapan na magkarelasyon sila ng Congressman dahil umano sa kumalat na video kung saan makikitang tila nakayakap sa aktres si Sandro.

“I think there was just this video,” pahayag ng “Kurdapya” star.

Saad pa niya na matagal na niyang kilala ang presidential son.

“Si Sandro, matagal ko na po siyang kakilala. We were laughing about something and then parang nalagyan lang po ng malisya dahil slow mo lang po, nilagyan lang po ng music,” wika ng aktres.

Sa kasalukuyan nali-link naman si Yassi sa Camarines Sur Governor na si Luigi Villafuerte kung saan inamin niyang nasa “getting to know each other” stage pa lamang silang dalawa at wala pang opisyal na label.

AUTHOR PROFILE