Yassi

Yassi, Gov. Luigi ‘never’ hiwalay

July 7, 2024 Vinia Vivar 427 views

Sinagot ni Yassi Pressman ang isang netizen na nagtanong kung break na sila ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Ipinost ng aktres sa kanyang Instgram ang reel ng pagbibiruan nila ng South Korean actor na si Kim Ji Soo sa set ng Black Rider.

Mapapanood sa reel na nag-selfie sila ni Ji Soo na mismong ang aktor pa ang kumukuha.

Pagkatapos ay biniro ni Yassi si Ji Soo ng “can you say boogsh?” na ginawa naman ng co-star. Tawa nang tawa ang aktres.

Sa comment section ay isang Marites ang nagtanong: “Break na kau ni Governor?”

Ang bonggang sagot ni Yasi, “haha never.”

Nito lang nakaraang buwan nang mag-viral ang kissing video nina Yassi at Gov. Luigi kung saan ay makikita ang kanilang intense kiss habang nasa stage sa selebrasyon ng Kaogma Festival sa CamSur.

Kitang-kita rin sa mga lumalabas na photo at video ng dalawa na very much in love sila with each other at mukhang getting stronger by the day ang kanilang relasyon.

AUTHOR PROFILE