Xian Lim

Xian: ‘I don’t deserve the accusations’

June 8, 2024 Aster Amoyo 109 views
Kim
Kim Chiu

HINDI itinago ni Xian Lim na nasaktan siya sa mga maling akusasyon na ibinabato laban sa kanya matapos ang hiwalayan nila ni Kim Chiu.

Sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA Integrated News, sinabi ni Xian na naging bukas siya noon at hindi niya ipinagdamot sa publiko ang kaniyang pribadong buhay mula nang pasukin niya ang showbiz.

Kaya nauunawaan daw niya ang damdamin ng ibang tao sa kinahantungan ng relasyon nila ni Kim.

Kung nasaktan ang ibang tao sa paghihiwalay nila ni Kim, ganoon din umano sila dahil nauwi sa hindi nila inaasahan ang kanilang relasyon na tumagal ng 12 taon.

Aminado si Xian na nasaktan siya sa mga lumabas na akusasyon laban sa kanya at nadamay pati ang mga mahal niya sa buhay.

“It’s gotten out of hand na and that’s just the painful part of it. Sasabihin nila na nag-iingay si Xian because may pelikula. I do not deserve the false accusations, the lies being spread.”

May mga pagbabanta pa raw siyang natanggap, nadamay din umano pati ang kaniyang ina at lola, na pinapadalhan ng mga mensahe.

“I’m getting death threats, my mom is getting death threats that’s the gravity of situation I’m dealing with na. My family does not deserve that.”

Kamakailan lang, pinabulaanan ni Xian na kasal na sila o nagsasama ng kaniyang girlfriend ngayon na si Iris Lee.

Kinumpirma ni Xian ang relasyon nila ni Iris pero nilinaw niya na nagsimula silang mag-date ng dalaga nang maghiwalay na sila ni Kim.

Nilinaw ni Xian na maayos ang paghihiwalay ni Kim noong nakaraang taon, at bukas siyang makatrabaho ang aktres “in time.”

Bibida si Xian sa upcoming movie na “Playtime” kasama sina Sanya Lopez, Coleen Garcia, at Faye Lorenzo.

Pilar nagkomento tungkol sa attitude ng ilang young stars

Pilar
Pilar Pilapil

NAGKOMENTO ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil tungkol sa mga kabataang artista ngayon na napansin niyang hindi naghahanda kung minsan pagdating sa mga linya ng kanilang eksena.

“Some of them are good though. Ang problema ko lang kung minsan hindi sila masyadong nagpo-focus sa lines nila. Like for instance, before I go to the set, I prepare myself… as far as the role is concerned, and I really, really prepare my dialogues and all of that. You have to be able to be prepared in every way,” sabi pa ng bagong kontrabida sa teleserye na ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’

May ilang mga batang artista siyang nakakatrabaho na tila hindi pa kabisado o saulado ang mga linya pagdating sa shooting.

“Minsan kinakausap ko ‘yan. Privately lang. Kinakausap in the sense na, I make it come out like it’s an advice,” sabi pa ni Pilar.

Cristine at Ali civil sa isa’t isa dahil sa anak

Christine
Cristine Reyes with ex husband Ali Khatibi and daughter Amarah

NAGKASAMA ang ex-showbiz couple na sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa moving up ceremony ng kanilang anak na si Amarah.

Pinost ni Cristine sa social media ang ilang photos nila sa naturang ceremony. Natuwa ang netizens na nagawa ng dating mag-asawa na maging civil sa isa’t isa para sa ikaliligaya ng kanilang unica hija

Kinasal sina Cristine at Ali noong January 2016. Naghiwalay sila noong 2019.

Cristine is currently dating Marco Gumabao. Tahimik naman sa kanyang personal na buhay ngayon si Ali.

AUTHOR PROFILE