Xian

Xian happiness ang wish para sa ex-GF

May 12, 2024 Vinia Vivar 164 views

“I hope you do find the happiness that it is you’re looking for.”

Ito mensahe ni Xian Lim sa kanyang ex sakaling makakasalubong niya ito.

Nag-guest ang aktor sa Family Feud kasama ang kanyang leading ladies sa upcoming film niya na sina Sanya Lopez, Coleen Garcia at Faye Lorenzo.

Inere ang episode last Friday, May 10.

Sa nasabing game show ay may segment na ‘Kayo Naman ang Magtanong’ kung saan ay binibigyan ng chance ang viewers na makapagtanong sa guests.

Isa sa tanong ng viewers ay “Kung makakasalubong mo ang ex mo, ano ang itatanong mo?”

Si Coleen ang unang sumagot. Aniya, “Uy, friendly ako sa exes ko. Good terms. Dapat good vibes lang palagi.”

When it was Xian’s turn, matagal na nag-isip ang aktor at pabirong tinangkang iwasan ang tanong. In the end, nag-decide siya na sagutin ito at sinabing gusto rin naman niyang mag-contribute mula sa point of view ng lalaki.

“Gusto ko rin mag-contribute. ‘Di ba para naman… kasi from a lady’s (Coleen) point of view, from a guy’s point of view naman,” aniya.

Tanong ni Sanya, “Ano nga ‘yung point of view mo?”

Sagot ng aktor, “I think, ah, when you… ‘pag nakasalubong mo ang ex mo, you should say na, ‘I hope you do find the happiness that it is you’re looking for.’”

Tanong ulit ni Sanya, “Nasabi mo na?”

Tila dinedma ni Xian ang tanong at ang sagot na lang niya, “Ganu’n lang, dapat masaya. ‘Di ba, dapat masaya kayo para sa isa’t isa? ‘Yun siya. ‘Di ba?”

Agree rin si Xian sa sinabi ni Coleen na in good terms with the exes.

“Always dapat in good terms,” sambit ng aktor.

Siyempre, no names being mentioned pero alam naman ng lahat na si Kim Chiu ang huling ex-girlfriend ni Xian na nakarelasyon niya for 12 long years.

AUTHOR PROFILE