Playtime

Xian ’di nang-playtime at ’di na-playtime

June 2, 2024 Ian F. Fariñas 177 views

BLESSED ang pakiramdam ni Xian Lim na mapabilang sa cast ng Playtime, ang suspense-thriller collaboration ng GMA Pictures at Viva Films na mapapanood na sa mga sinehan simula June 12.

Ginagampanan ng aktor ang karakter ng psycopath na si Lucas, na pagkakatiwalaan ng tatlong babaeng kanyang paglalaruan.

Kasama ni Xian sa cast sina Sanya Lopez (bilang vlogger/influencer na si Allyson), Coleen Garcia (ang bride-to-be na si Roni) at Faye Lorenzo (ang heartbroken na si Patricia).

Ani Xian sa katatapos na mediacon ng Playtime, “I feel very blessed na nabigyan po ako ng pagkakataon to portray something out of the box, something this, I would say, daring, kasi hindi naman po lahat nabibigyan ng pagkakataon. So right when they gave me the phone call, I remember we were shooting Love. Die. Repeat., nu’ng panahon po na ito, parang last few days ng taping, sa kasagsagan ng taping, sabi ko ‘please count me in.’

“They told me ito ang mga makakasama ko, written and directed by Direk Mark (Reyes). Sabi ko, ‘sige, ikwento n’yo na lang sa akin mamaya ‘yung (iba pa po ‘yung title nu’ng panahon na ‘yon). kwento n’yo na lang sa akin mamaya, game na ako d’yan.’ So that’s pretty much how fast po ‘yung naging proseso ng pag-oo ko sa project.”

Para sa role ni Lucas, kinarir ni Xian ang pagpapalaki ng katawan at iniwan ang nakasanayang pagganap sa boy-next-door, romantic lead image.

Nang tanungin kung sa totoo buhay ba ay na-experience na niyang mang-playtime o ma-playtime sa isang relasyon, ang sagot ni Xian, “Kung ako ‘yung nag-playtime, hindi po. If ako ba ‘yung na-playtime, hindi ko alam. If sa duration ng relationship masasabi mo, no matter how long, kung playtime nga ba, I dont think so.

“Parang maski sabihin po natin weeks lang po ‘yan or years, you can never say it was playtime because there was a reason kung bakit dumating ‘yung taong ‘yon sa buhay mo, mapa-maganda man o hindi. So, there is a reason why that person played a role in your life. So ganu’n lang. Definitely, hindi siya playtime,” dagdag pa niya.

Gaya ni Xian, ganun din ang excitement ni Coleen na mapasama sa Playtime.

Anang misis ni Billy Crawford, “All the characters are really interesting. It’s very thrilling, it’s very suspenseful. You wouldn’t be able to guess what’s going to happen. I think (for) all of us — the artists in this movie — it’s new for us, everything we did (was new).”

Parte rin ng cast ng Playtime sina Bruce Roeland, Kim Perez, Lienel Navidad, Camille Patricia Guzman at Haley Dizon.

AUTHOR PROFILE