
‘Woke up like this’
MASARAP ang gising ng kahit na sinong barako kung sa umaga, aalmusalin nila ang patakam ng Vivamax actress na si Cariz Manzano.
Wala man sa kusina at kakabangon pa lang sa kama, naghain na agad ng alindog niyang hindi matatakasan ng mga kelot ang sexy star mula sa mga larawang ibinahagi nito sa Instagram.
“Woke up like this?” sey niya sa caption ng post.
Makikita sa post na swabeng-swabe kung yapusin ni Cariz ang kanyang dibdib dahilan para maloka ang netizens sa kanyang katakam-takam na karisma.
Walang kawala sa titig ng mga male fans niya ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Pina-angat ng suot niyang panty ang pigura ng Vivamax actress. Ibinalandra niya ang kanyang legs at mga pisngi ng boobs.
Wala mang suot na kolorete, malakas pa rin ang tama ng kanyang natural na ganda at ngiti sa mga kalahi ni Adan. Ganitong Eba ang bet na bet nilang pagnasaan.
Kahit nga sa umaga, bet na agad makasama ng kalalakihan sa pagtulog si Cariz. Inulan ng kanyang mga followers ng mga makamundong komento ang pasabog ng Vivamax actress.
Bago man sa Vivamax ngayong taon, naitampok na ni Cariz ang kanyang talento sa pag-arte sa mga proyekto kabilang na ang Katas (2024) at Kulong (2024).