
Winwyn umamin na sa pagbubuntis, pero ama ng bata ayaw pa ring ihayag
NAGING doubly exciting ang ginanap na presscon ng “Nelia” dahil doon personal na inamin ng lead star na si Winwyn Marquez ang kanyang pagbubuntis courtesy of her non-showbiz partner na hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang i-reveal sa publiko.
The 29-year-old actress and former beauty queen is now 21 weeks old pregnant sa kanyang magiging unang baby at magiging bagong apo ng estranged couple na sina Alma `Ness’ Moreno at Joey Marquez.
Si Winwyn na mismo ang nagkwento na napaiyak umano ang kanyand dad na si Joey nang ibalita niya ang kanyang pagbubuntis. Pero pareho umanong masaya ang kanyang mga magulang sa magkakaroon na rin sila ng apo sa kanya at sa kanyang partner na nakatakdang isilang sometime in April next year.
Unang pelikula pasok agad sa MMFF
ISANG grand press conference ang ginanap sa grand ballroom ng City of Dreams ng bagong film outfit, ang A&Q Film Production para sa kanilang debut film, ang “Nelia” na pinagbibidahan ng kauna-unahang Reina Hispanoamericana 2017, ang actress at dating beauty queen na si Winwyn Marquez. Ang bagong film production was jointly founded by Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Honey Quino na siya ring sumulat ng istorya may 15 taon na ang nakakaraan nung siya’y isa pang estudyante. Ang nasabing pelikula ay dinirek ni Lester Dimaranan.
Bukod kay Winwyn, tampok din sa “Nelia” sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes kasama sina Mon Confiado, Shido Roxas, Lloyd Samartino, Dexter Doria, Dan Alvaro at kung saan naman ipinapakilala nina Juan Carlos Galand at Aldwin Alegre. Kasama rin sa pelikula sina Sarah Javier, April Anne Dolot, Massey Samshoddin at Fredrick Atienza.
Sobra naman ang pasasalamat ng mga bagitong film producer dahil isa ang “Nelia” sa nakapasok sa walong official entries ng Metro Manila Film Festival.
Ang “Nelia” ay maituturing na movie of many firsts dahil bukod sa ito ang unang film project ng A&Q Film Production, ito rin ang unang pagkakataon na sila’y makapasok sa taunang MMFF. Ito rin ang first lead role ni Winwyn.
Raymond, Ali gusto ring maglingkod sa bayan
SAMANTALA, dalawa sa cast ng “Nelia” na sina Raymond Bagatsing at Ali Forbes ay parehong kandidato sa nalalapit na halalan. Si Raymond ay tumatakbong vice-mayor ng Maynila at katunggali niya for the same position ang isa pang actor-politician na si Yul Servo habang si Ali naman ay kandidato sa pagka-konsehal ng ika-6 na distrito ng Quezon City.
Dingdong sanay na sa adaptation ng Korean materials
NAKABALIK na sa bansa ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera last December 15 galing Israel kung saan tumayong isa sa miyembro ng screening committee sa recently-concluded 70th Miss Universe kung saan ang kinatawan ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez ay pumasok sa Top 5. Pero bago umuwi ng Pilipinas ay dumaan ang celebrity couple sa Jerusalem, isa sa mga lugar na pinangarap nilang marating.
Pero kinailangan nilang dumaan sa mandatory quarantine just like other travelers. At habang nasa quarantine, nagawa ng Kapuso Primetime King na humarap sa entertainment media at vloggers via zoom para sa kanyang 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na “A Hard Day” na pinagsasamahan nila ng Volpi Cup (Best Actor) winner na si John Arcillla na pinamahalaan ni Lawrence Fajardo under Viva Films. Nakatakda itong matunghayan sa mga sinehan nationwide simula sa darating na December 25, araw ng Pasko hanggang January 7, 2022, ang pagtatapos ng taunang filmfest.
Ito bale ang pangalawang pagkakataon ng Viva Films na kasali sa taunang MMFF na ang material ay remake ng Korean hit movie. Nauna na rito ang Philippine adaptation ng hit Korean movie in 2013, ang “Miracle in Cell No. 7” na pinagbidahan ni Aga Muhlach na dinirek ni Nuel Naval at napasama sa 2019 Metro Manila Film Festival at siyang nanguna sa nasabing film fest in terms of box office bago dumating ang pandemya nung isang taon.
Ang “A Hard Day” was not originally intended for the MMFF, pero dahil sa pandemya at pagsasara ng mga sinehan nationwide, naghintay ang Viva sa muling pagbubukas ng theaters at natiyempo naman ang muling pagtanggap ng mga entries for the 47th MMFF. Kaya ito’y isinumite ng kumpanya at suwerte namang pumasop sa Top 8 official entries.
Kung pagbabasehan ang trailer ng pelikula, mukhang namumuro na naman ang box office success ng pelikula and even Best Actor trophies for either Dingdong and John Arcilla. But more than the awards, mas gusto ng dalawang lead stars ng movie na mas marami ang makapanood at maka-appreciate ng kanilang pelikula.
Hindi pinanood ni John Arcilla ang original Korean hit movie na “A Hard Day” na pinagbidahan nina lee Sun-kyun at Cho Jin-woong at dinirek ni Kim Seong-hun dahil gusto nitong maipakita ang kanyang raw acting base sa script ng pelikula. Pero, si Dingdong ay pinanood ang original movie hindi para gayahin kundi para ibigay ang kanyang sariling pamamaraan.
Although Dingdong and John were both true to their respective roles in the movie, it was given a different execution with Pinoy touch and flavor.
Magkahiwalay ding pinuri nina Dingdong at John ang isa’t isa dahil sa ipinakita nilang dedication, commitment and professionalism habang ginagawa ang pelikula at ang pagiging totoo nila sa kanilang respective characters in the movie.
Ayon sa mister ni Marian Rivera, isa umanong malaking karangalan para sa kanya ang makatrabaho ang award-winning actor ng “Heneral Luna” at Volpi Cup (Best Actor) awardee for the movie “On the Job: The Missing Eight” na napanood umano niya sa HBO.
Unang nagkatrabaho sina Dingdong at John sa fantasy TV series ng GMA, ang “Encantadia” pero nagkasama lamang umano sila sa tatlong eksena unlike dito sa pelikulang “A Hard Day” na silang dalawa talaga ang lead stars at magkasama sa mga eksena most of the time.
Samantala, sanay na ang Kapuso actor na si Dingdong sa local adaptation ng mga K-drama series tulad ng “Endless Love,” ‘Stairway to Heaven” at hindi pa gaanong katagalan na “Descendants of the Sun”.
John Lloyd mapapanood na muli
MATUTUNGHAYAN na sa araw ng Linggo, December 26 ang kauna-unahang TV sitcom ng comebacking actor na si John Lloyd Cruz sa bakuran ng GMA, ang “Happy ToGetHer” na pinamamahalaan ng dati ring Kapamilya actor-director na si Edgar `Bobot’ Mortiz. Bukod kay John Lloyd, tampok din sa nasabing Sunday sitcom sina Miles Ocampo, Carmi Martin, Jayson Gainza, Ashley Rivera, Jenzen Angeles, Vito Quizon, Eric Nicolas, Janus del Prado, Wally Waley, Leo Brunod at Kleggy Abaya.
JLC took a four-year leave of absence from showbiz simula nung October 2017.
Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.