Christy Larawan mula sa IG/Christy Imperial

Watch my back

August 24, 2024 People's Tonight 384 views

ISLAND girl ang atake ng newest Vivamax siren na si Christy Imperial nang ibuyangyang nito ang kanyang hotness sa beach.

Sa kanyang Instagram page, maliwanag pa sa sikat ng araw ang ginawang pagbabandera ng sexy star ng kanyang sex appeal.

“In my Island girl era,” sey niya sa caption ng post.

Tila isang bulaklak na namukadkad ang pagka-blooming ni Christy kahit na kulay itim pa ang suot nitong two-piece bikini.

Pinatakam din ng hot actress ang kanyang male fans sa pamamagitan ng paglalantad nito ng wetpaks na malinaw na maaaninag sa see through tapis na nakapulupot sa kanyang bewang.

Wala ngang bahid na anong kadiliman ang ibinalandra niyang makatas na sex appeal. Nag-ala kutis gatas ang balat nitong tiyak na bet na bet ng mga barakong ialmusal sa umaga at laklakin sa gabi bago matulog.

Sa comment section nga ay ibang level ang pagpapapansin ng kanyang followers para ma-notice ni Christy. Inulan nila ng papuri ang sexy photos ng bebot at ready para sa mga bago pa nitong proyekto.

“May palag din talaga ‘to sa ibang Vivamax sexiest eh,” hirit pa ng isang netizen.

Ang Vivamax original film na ‘Dirty Ice Cream’ ang acting debut ni Christy sa nasabing subscription based, video on-demand app.

Nitong nakaraang buwan nga lang ay may bagong inilabas na proyekto kung saan tampok ang bagong obsession ng bayan, ang pelikulang “Top 1.”

AUTHOR PROFILE