Aberin

Wanted sa Baguio tumanda na sa pagtatago, huli sa Makati

April 29, 2025 Edd Reyes 100 views

TUMANDA na sa pagtatago ang pinaka-wanted na kriminal sa Baguio City makaraang madakip ng pulisya Martes ng makapananghali sa Makati City.

Katuwang ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Joseph Arguelles ang CIDG Regional Field Unit 14 at mga operatiba ng Baguio City Police Station nang kanilang salakayin ang pinagkutaan ng ngayon ay 63-anyos ng pugante sa J.P. Rizal Avenue, Brgy. Tejeros, dakong alas-12:40 ng makapananghali matapos ang 35-taong pagtatago sa batas.

Sa nakarating na ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Anthony Aberin, wanted sa kasong serious illegal detention sa ilalim ng Article 267 ng Kodigo Penal ang akusadong si alyas “Teban” na nagawang makapagtago ng matagal na panahon sa pamamagitan ng pagpapalipat-lipat ng lugar.

Nagsimulang magtago ang akusado noong siya ay 28-taong gulang pa lamang hanggang sa maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang Baguio City Regional Trial Court (RTC) Branch 5 noong Enero 16, 1990 sa kasong Serious Illegal Detention na walang inirekomendang piyansa.

’This arrest not only removes a high-value fugitive from the streets but also sends a resounding message: in the hands of NCRPO, justice is patient, precise, and unstoppable,” pahayag ni Aberin.

AUTHOR PROFILE