Default Thumbnail

Walang masama sa jeep modernization

January 17, 2024 Allan L. Encarnacion 311 views

Allan EncarnacionWALA namang masama sa modernisasyon ng mga pampasaherong jeep.

Kapag nasusundan ko ang mga jeep na walang break light, pitpit ang plaka na halos hindi mo mabasa ang numero at letra, bumubuga ng itim na usok ang tambutso walang modo sa pagmamaneho ang mga tsuper, talagang manggigil kang ipatupad na nga sana ang modernisasyon.

Unang-una, hindi naman sila inaalisan ng hanapbuhay, inaayos lang sila na sa mahabang panahon ay kakarag-karag ang kanilang ipinapasada.

At ilang gobyerno na ba ang nagplanong ayusin ang hanay ng transportasyon ng mga jeep pero sa tuwing magtatangka ang pamahalaan ay binabanatan nila ng welga?

Ang problema natin, gusto nila ng anarkiya, iyong sila ang masusunod, iyong gobyerno ang yuyuko sa kanila.

Tumingin nga kayo sa inyong hanay, sipatin nyo kung ilang jeep ang tumatakbong kalbo ang gulong, walang headlights at pagewang-gewang sa kalye na nagbubuga ng maitim na usok!

Tapos tsaka nyo sabihin sa amin na ayaw nyo ng modernisasyon.

***

Ben Tulfo, tatakbong senador sa 2025.

Sabay sila ni Congressman Erwin?

Si Raffy ay senador na.

Mas bago ito: Mon Tulfo kakandidato ring congressman sa 4th District ng Quezon CIty.

Kay Mon nagsimula ang lahat ng Tulfo dahil siya ang kuya.

Maaksiyong Tulfo 2025 ito.

Kaabang-abang!

***

Ang unang balita ay nagbukas ang Solaire Hotel Resorts and Casino sa QC nitong December 2023.

Pero physically impossible dahil sa mga kulang pang konstruksiyon.

Ang balita natin, nalipat sa March 2024 ang opening.

Pero ang mas bago, mukhang hotel pa lang ang bubuksan sa March dahil wala pang nakukuhang permit for casino operations si Boss EK.

Matutuloy kaya ang casino opening any time soon or mananatiling hotel lang ang Solaire QC?

Abangan!

[email protected]