G22

VXON at G22, excited sa P-pop convention

April 8, 2022 Vinia Vivar 934 views

Sabay na ni-launch ng Cornerstone Entertainment sa media ang bagong P-pop boy group na VXON (read as ‘vision’) at P-pop girl group na G22 (read as ‘G-twenty-two’).

Ang VXON ay isang five-member group composed of C13, Patrick, Franz, Samm and Vince habang ang G-22 naman ay may apat na members na binubuo nina AJ, Jaz, Bianca at Alfea.

Bukod sa nakapag-release na ng kani-kanilang singles, nakatakda ring mag-perform ang dalawang grupo sa much-awaited and first-ever 2022 P-Pop Convention ngayong April 9 at 10 sa New Frontier Theater at Smart Araneta Coliseum kasama ang iba pang P-Pop groups sa bansa.

Sa mediacon, ipinahayag ng dalawang grupo ang kanilang excitement dito.

“We are very honored and grateful to be surrounded by sucn amazing artists and P-pop idols din po. It’s just so surreal and we’re so thankful,” sabi ni Jaz.

Ayon naman kay Franz, matagal na nilang pangarap na magkaroon ng P-Pop convention tulad nito kung saan ay magpe-perform together in one stage ang lahat ng P-pop groups.

“Finally, ‘eto na, nangyayari na and we’re happy makasama ‘yung iba pang mga P-pop group, our brothers and sisters, in one event,” sabi ni Franz.
Sey naman ni C13, “Yeah, we’re very excited po ’coz this event is one for the books since ito nga po ang first event kung saan magsasama-sama lahat ng P-pop groups and we’re very excited po na makasama ang ibang P-pop groups sa isang stage.”

Pawang mga gwapo at magaganda ang mga miyembro at pwedeng-pwede silang mag-artista.

Asked kung gusto rin nilang umarte sa harap ng camera, anila, singing ang priority nila sa ngayon, pero kung darating ang time na mabigyan sila ng pagkakataon to try acting, bakit naman hindi.

Nakakatuwa dahil kahit kasisimula pa lang nila, may sari-sarili na silang hukbo ng fans.

“Vixies” ang tawag sa official fandom ng VXON habang “Bullets” naman ang sa G22.

Sa ngayon, meron nang two singles ang VXON, namely The Beast and P.S. habang ang G22 naman ay nakapag-release na ng kanilang debut single na pinamagatang Bang.

The music of VXON and G22 are exclusively released, distributed and produced by Cornerstone Entertainment.

AUTHOR PROFILE