
Vulnerable households pwede na makabili ng P29/kilo rice
MAY pagkakataon na ang mga tinaguriang vulnerable household na makabili ng bigas na P29 kada kilo dahil ipapatupad na ang P29 rice program ng Department of Agriculture (DA) sa labas ng Luzon sa susunod na buwan.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., tugon ang naturang hakbang sa kahilingan ng maraming konsyumer na magdagdag ng mga lugar na maaaring magbenta ng murang bigas.
Umaasa din si Tiu Laurel na bababa pa ang presyo ng bigas na ibinebenta sa mga KADIWA Center sa unang bahagi ng 2025.
Nakatakdang ipatupad ang large-scale trial ng programa sa loob ng isang buwan sa 10 KADIWA Centers bago palawakin sa ibang lugar dahil sa usaping suplay at logistics.
“This week we’re already up to 13 KADIWA outlets. By August 1, hopefully, we will have 23 stores plus three provincial areas. We will have one in Cebu, maybe Maguindanao,” ani Tiu Laurel.
“Then as we go along, we will widen the coverage and may even try to lessen (the price) of the P29 rice in KADIWA stores nationwide, hopefully by the first quarter of next year,” dagdag pa ng kalihim.
Nagbebenta tig-P29 kada kilo ng bigas ang piling KADIWA store sa mga vulnerable households kabilang na ang mga miyembro ng 4Ps program ng pamahalaan, solo parents, senior citizens at persons with disabilities (PWD) tuwing Biyernes, Sabado at Linggo.
Galing sa ageing stocks ng National Food Authority (NFA) and ibinebentang bigas.
Ang mga bigas naman na pino-produce naman sa ilalim ng National Irrigation Administration’s contract-growing arrangement mula sa mga magsasaka makadadagdag sa suplay mula sa NFA upang suportahan ang P29 rice program.
Layon din ng programa na mabigyan ng oportunidad ang may 6.9 milyon na vulnerable household na makabili ng mas mura subalit kalidad na bigas sa pamamagitan ng mga KADIWA center.
Isang pang programa na ipinapatupad ang Rice-for-All na naglalayon na mabigyan ng oportunidad ang lahat ng mga konsyumer na makabili ng mas murang halaga ng well-milled at fancy rice.