Adiong House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong

VP SARA ‘SINUSUYO’ SENADOR NA BOBOTO SA IMPEACHMENT TRIAL

April 20, 2025 People's Tonight 276 views

ANG pag-endorso umano ni Vice President Sara Duterte sa mga kumakandidato sa pagkasenador ay nagpapakita na ngayon pa lamang ay kanya ng sinusuyo ang mga magiging senador na boboto sa kanyang impeachment trial.

Pero para kay House ad hoc committee on Marawi rehabilitation and victims compensation chairman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, ito ay hindi na nakakagulat.

“It’s not surprising that she changed her tune on endorsing candidates,” ani Adiong, isang House Assistant Majority Leader.

“Given the context of the upcoming Senate trial, one can reasonably infer that she’s now building bridges where she once kept her distance,” dagdag pa niya.

Ang Pangalawang Pangulo, na dati’y nagsabing hindi siya mag-eendorso ng mga kandidato sa 2025 senatorial race, ay nag-endorso kamakailan ng dalawang senatorial candidate.

Nilinaw naman ni Adiong na karapatan ng Pangalawang Pangulo ang gumawa ng kanyang sariling desisyong pampulitika.

“We respect her prerogative. But we cannot ignore the timing and the possible implications of these moves, especially when they shift from neutrality to active endorsement,” giit ni Adiong.

Ayon pa kay Adiong, ang mahalaga ay hindi lang ang mismong pag-eendorso, kundi ang pagbabago ng tono o posisyon nito.

“A public official’s word carries weight. When that word shifts for strategic reasons, it naturally invites scrutiny,” ani Adiong.

Binigyang-diin ni Adiong na mas mahalaga ngayon kaysa dati ang pagpapakita ng Senado ng pagiging patas at independiyenteng institusyon sa paghawak ng impeachment trial.

“The credibility of our democratic institutions is on the line. The Senate must show that it can rise above political tides and deliver a verdict grounded in truth and constitutional duty,” wika ni Adiong.

Bagaman tumanggi siyang magbigay ng espekulasyon sa magiging resulta, iginiit ni Adiong na nagampanan na ng Kamara ang mandato nito.

“The impeachment trial now rests with the Senate. Our expectation is fairness, transparency, and fidelity to the rule of law,” aniya.

“Sa panahong ganito, ang kailangan natin ay matibay na prinsipyo at hindi ang pakikiayon para sa pansariling interes,” dagdag pa ni Adiong.

Sa huli, hinimok ni Adiong ang mga Pilipino na manatiling mulat at mapagmatyag.

“These are extraordinary times for our democracy. The people deserve leaders who are both accountable and consistent,” pagtatapos ni Adiong.

AUTHOR PROFILE