Servo

VM Servo saludo sa UDM grads

August 1, 2023 Edd Reyes 329 views

BINATI ni Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang mga estudyante ng Universidad De Manila (UDM) sa araw ng kanilang pagtatapos Lunes ng hapon

Pinahalagahan ni Nieto ang sinuong na hirap ng mga estudyante para makamit ang inaasam na diploma nang dumalo bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa ginanap na pagtatapos.

“Ang araw na ito ay simbolo ng tagumpay para sa lahat ng inyong mga naging sakripisyo,” pahayag ni Nieto sa 2,917 estudyante na nagtapos sa UDM.

“Tagumpay, pighati, at samut-saring ala-alang siguradong kaming babaunin niyo habang buhay,’ dagdag pa niya.

Binanggit din niya ang paghihirap ng mga estudyanteng sila mismo ang sumusuporta sa kanilang pag-aaral para lamang makatapos sa kabila ng kahirapan.

“Wag kayong titigil dahil ang buhay laging may obstacle na pinagdadaanan. Lahat yan kaya natin lalo na mga Batang Maynila kayo, batang Pilipino,” sabi pa ni Nieto.

“Basta kapag nadapa, bangon lang, lakad lang, dire-diretso lang at kapag nadapa ulit, tayo lang ulit, lakad lang dahil hindi tayo bibigyan ng Panginoon ng mga pagsubok na hindi natin kakayanin.

Lahat kaya natin,” dagdag pa niya.

Sinang-ayunan naman ni UDM President Dr. Ma. Felma Carlos-Tria ang mga pahayag ni Vice Mayor Nieto nang kilalanin niya ang pagpupunyagi ng mga estudyante para lamang malagpasan ang mga balakid na hinaharap

“To this whole batch, congratulations kasi napagtagumpayan niyo ang hirap ng pag-aaral despite all the circumstances that we dealt with, including the pandemic,” pahayag ni Carlos-Tria

“Yan po ang dahilan kung bakit I can say that indeed as a theme for our 28th founding anniversary says ‘We are destined to be great’, not just the school but you my dear graduates,” dagdag pa niya.

Umabot sa may na 200 laude graduates o mga estudyanteng nagtapos ng may mataas na pagkilalang pang-akademiya ang Universidad De Manila kabilang ang anim na magna cum laude at 193 cum laude na nagtapos ng iba’t-ibang kurso.

AUTHOR PROFILE