NBI

Vlogger kinasuhan sa P50B investment scam

March 16, 2024 Jonjon Reyes 483 views

SINAMPAHAN ng kasong syndicated estafa sa National Bureau of Investigation (NBI) ang vlogger at negosyante ng 30 nabiktima diumano nito dahil sa umano’y investment scam na umaabot sa P50 bilyon.

Nahaharap sa reklamo ang suspek dahil sa paglabag sa securities and regulation code.

Sinabi ni Atty. Palmer Mallari, hepe ng NBI Fraud and Financial Crimes Division, na ipinapakita sa komputasyon na umaabot sa P50 bilyon ang halagang sangkot sa scam.

Sinabi ng isa sa biktima na nawalan siya ng P700,000 sa scam matapos siyang pangakuan na tutubo ng P35,000 at maibabalik pa ang kanyang puhunan matapos ang isang taon.

Mga OFWs, empleyado, pulitiko, celebrity at negosyante ang karamihan sa mga biktima.

Ayon sa NBI, pinapirma ng respondent ang mga biktima ng kasunduan para lumalabas na pautang at hindi investment ang kanilang ibinigay.

AUTHOR PROFILE