Christine

Vivamax star bet gayahin si Christine

September 25, 2024 Jun Nardo 361 views

PicALAGANG-ALAGA ng Vivamax star na si Apple Dy ang mga pusang alaga niya na nakikita sa kanyang negosyong café.

“Siyempre , laging malinis! Hahaha!

“Behave naman ang alaga ko. Natutuwa naman ang mga customer kapag nakikita sila,” sabi ni Apple sa mediacon ng movie niyang “Kiskisan.”

Sa movie na dinirek ni Bobby Bonifacio Jr. at streaming sa Vivamax ngayong September, mapangahas ang ginawang love scene ng director dahil silang tatlong babae — Apple, Robb Guinto at Skye Gonzaga — pinagsaluhan ang nag-iisang lalaki na si Juan Paolo Calma.

“Naku, mahirap ang eksena! Nagpantal-pantal ang skin ko kasi nga sa kiskisan ng palayan namin ito ginawa! Eh, after ng scene, panay ang lagay ko ng alcohol. Eh, madali namang nawawala! Grabe ‘yung scene na ‘yon,” sabi ni Apple.

Gaya ni Christine Bermas, nais din ni Apple maka-graduate sa sexy roles, huh!

SOLO CONCERT

KANTANG panlalaki naman ang karamihan sa repertoire ni Katrina Velarde sa concert niyang “Sikat V.3” na gagawin sa New Frontier Theater sa October 11.

Bale third major solo show ito ni Kat at selebrasyon ng kanyang mahigit na 22 years sa showbiz.

Produkto ng “Talentadong Pinoy” at “X Factor Philippines” si Kat na may hit songs nang nagawa gaya ng “Lason Mong Halik,” “Taksil” at “Kung Naging Tayong Dalawa.”

Isa sa mga kantang ipinarinig ni Kat sa mediacon niya ay ang version niya ng “Bawal Na Gamot” ni Willie Garte.

Ayaw sabihin n Kat kung sino ang guests niya. Basta ang sabi niya, pasabog ang encore ng kanyang concert.

Produced ito ng Viva Live at si Paolo Valenciano ang director.

AUTHOR PROFILE