Vic

‘Viva Nobela’ bagong baby ni Boss Vic

April 27, 2025 Ian F. Fariñas 92 views

Grabe, may bagong baby na naman palang niluluto ang Viva big boss na si Vic del Rosario.

Ito ay tatawagin umanong “Viva Nobela,” isang digital entertainment platform na inspired ng Drama Box na ang mga teaser ay nagkalat sa social media.

Matapos ngang magtagumpay ang sinimulang Vivamax o VMX noong kasagsagan ng pandemya, inanunsyo ni Boss Vic na malapit nang maghain ng panibagong digital entertainment ang kanilang kumpanya.

“Gumagawa na kami ng vertical,” sey ng Viva big boss matapos pumirma kamakailan ng MOU (Memorandum of Understanding) kasama si Atty. Brigitte da Costa-Villaluz, bagong talagang director general ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).

Layon ng MOU na mapangalagaan ang mga pelikula, musika at iba pang pino-prodyus ng Viva Group laban sa pamimirata at counterfeiting sa E-commerce platforms.

Sa tantiya ni Boss Vic, 80 percent ang nawawalang potential na kita ng Viva Group (Viva Films, Viva Records, Viva Beauty, atbp.) dahil sa piracy.

Pag-amin niya at ng anak na si Vincent del Rosario, nalipat na ang labanan mula sa physical copies ng CDs sa digital space.

“It’s so difficult to run after the pirates,” pag-amin ni Boss Vic. “Nu’ng unang panahon, eh, dati physical, ngayon, ‘di na physical, eh. Ang problema, itong mga Lazada, itong mga e-commerce (platforms), ‘di nila tinetsek. So ngayon, ang ginawa ni director general, pinapirma ang Lazada. Pati sila ngayon committed na hindi magbenta. Ang importante ma-inform sila na nagbebenta kayo ng ‘di amin. ’Pag walang magbebenta, walang magpa-pirate. Para wala nang demandahan. It serves as a deterrent at protection na rin for stakeholders.”

Ayon kay Atty. Villaluz, Viva ang kauna-unahang entertainment company na pumirma ng MOU sa IPOPHL. Inaasahan niya na matapos ito ay magsusunuran na rin ang iba pang major players/stakeholders sa showbiz industry.

AUTHOR PROFILE