Sunny

Vina balik-pelikula para sa anak

April 10, 2024 Vinia Vivar 127 views

After 10 years, balik-pelikula si Vina Morales sa latest Viva Films’ offering na “Sunny,” ang Philippine adaptation ng 2011 Korean blockbuster film with the same title.

Isa si Vina sa mga bida ng “Sunny.” Bago ito ay huli siyang napanood noong 2014 sa pelikulang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” na pinagbidahan ni Robin Padilla.

Ayon sa aktres sa isang panayam, tinanggap niya ang pelikula because of her daughter Ceana na mahilig sa mga K-drama at movie.

Another reason kung bakit niya tinanggap ang pelikula ay dahil gusto niyang gumawa ulit ng movie sa Viva, ang film outfit na nakadiskubre sa kanya.

Napanood namin ang “Sunny” sa ginanap na red-carpet premiere night last Monday sa SM North EDSA at nakakatuwang makita ulit na magkakasama sa isang pelikula sina Vina, Angelu de Leon, Sunshine Dizon, Vina Morales, Katya Santos, Tanya Garcia, Candy Pangilinan at Ana Roces.

Kasama rin nila sa pelikula sina Heaven Peralejo, Bea Binene, Abby Bautista, Ashley Diaz, Heart Ryan Ashtine Olviga at Aubrey Caraan bilang kanilang mga younger version.

Heartwarming ang pelikula na tumatalakay sa friendship ng pitong karakter. Aliw ang kanilang mga eksena lalo nga nga ang mga comedy scene ni Candy.

Tawa rin kami nang tawa kay Sunshine na consistent sa kanyang karakter bilang retokadang barkada na hindi gumagalaw ang mukha.

Pero siyempre, may pakilig din ang “Sunny” dahil nandito si Marco Gallo bilang katambal ni Heaven.

Iikot ang kuwento ng “Sunny” sa high school friends na muling nagsama-sama para tuparin ang huling habilin ng kanilang yumaong kaibigan.

Ang pelikula ay nagsasalitan sa dalawang timeline. Sa kasalukuyang panahon, si Annie (Vina) ay isang maalagang maybahay at ina.

Habang binibisita ang kanyang nanay sa ospital, bigla niyang makikita si Chona (Angelu), ang kanyang kaibigan noong high school. Malalaman niya na si Chona ay may terminal cancer at may ilang buwan na lamang na natitira para mabuhay.

Sasabihin ni Chona ang kanyang kagustuhan na makita at mabuo muli ang kanilang grupo na “Sunny” bago man lang siya mamaalam.

Sa flashback naman na 25 years na ang nakakaraan, makikita si Annie (Heaven) na isang high school transferee. Tinutukso siya sa pagiging probinsyana hanggang sa makikilala niya ang palabang si Chona (Bea).

Kakaibiganin siya ni Chona at ipapakilala sa mga miyembro ng kanyang grupo: sina Dang (Abby Bautista); Janet (Ashley Diaz); Becky (Heart Ryan); Gwen (Ashtine Olviga); at si Sue (Aubrey Caraan) na malamig ang pakikitungo kay Annie.

Sama-sama sila sa mga pagsubok at tagumpay ng high school – mula sa mga kaaway hanggang sa kanilang crushes, sa mga sayawan at mga kalokohan.

Showing na ang “Sunny” sa mga sinehan nationwide. Ito ay mula sa direksyon ni Jalz Sarate. Si Mel Mendoza-del Rosario naman ang sumulat ng screenplay.

AUTHOR PROFILE