Vilma

Vilma walang alam sa ginagawang nominasyon sa kanya

June 29, 2024 Aster Amoyo 78 views

Vilma1Vilma2Vilma3OUT of the country ngayon ang Star for all Seasons, multi award-winning actress and former politician na si Vilma Santos-Recto kasama ang kanyang pamilya for a much-needed vacation kaya hindi ito nakadalo sa ipinatawag na press conference ng Aktor.PH na pinamumunuan ng award-winning actor, host, film producer and entrepreneur na si Dingdong Dantes na ginanap sa Sampaguita Hall A ng Manila Hotel nung nakaraang Biyernes, June 28 ng tanghali.

Ayon na rin mismo kay Dingdong, wala umanong alam si Vi (palayaw ni Vilma) na nag-initiate ang Aktor.PH na kanyang pinamumunuan as chairman na isulong ang kanyang nominasyon bilang National Artist for Film and Broadcast na sinusugan at sinusuportahan ng iba’t ibang sektor at individual in and out of showbiz dahil sa ipinakita at kakaibang achievements and contributions ng Star for All Seasons na nagsimula bilang child star, teen star hanggang sa kanyang pagiging most awarded actress sa kanyang henerasyon hanggang sa kanyang pagiging isang mahusay na public servant na kanyang pinaglikukuran nang buong katapatan sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Napakahaba ng listahan ng achievements ni Vi in her over 6 decades in the industry at hindi na rin halos mabilang ang mga parangal na kanyang natanggap since she was a child star at pagbidahan ang pelikulang “Trudis Liit” nung 1963 na siyang nagbigay sa kanya ng kanyang first acting award bilang Best Child Performer mula sa FAMAS the following year. Ang nasabing pelikula ay pinamahalaan ni Jose de Villa mula sa magkatulong na panulat nina Mars Ravelo and Chito B. Tapawan under Sampaguita Pictures. Nakasama ni Vi sa nasabing pelikula sina Lolita Rodriguez, Connie Angeles, Luis Gonzales, Bella Flores, Charlie Davao, Rodolfo `Boy’ Garcia at iba pa.

While we were in the press con ng Aktor.PH in Manila Hotel ay tinext namin si Vi about her nomination for the prestigious award of National Artist for Film and Broadcast.

“Hi Te Aster, I am deeply humbled and sincerely grateful to AKTOR led by Chairman Dingdong Dantes for its endorsement!!! Sobrang maraming salamat to my colleagues in the industry for this honor. Sa iba pang mga organizations na nagbigay tiwala….salamat po!

MY HEART IS FULL!!!

SALAMAT TE ASTER!,” text message sa amin ni Vi.

Kung sa first movie niya ay agad siyang tinanghal na Best Child Performer na FAMAS for “Trudis Liit,” ginawaran naman siyang Best Actress ng FAMAS nung 1972 for “Dama de Noche”. Kasunod na rito ang kanyang pagganap sa classic super hero character na Darna in “Lipad, Darna, Lipad” in 1973 na nagkaroon ng tatlo pang sequel.

Nung 1978 ay pinasok ni Vi ang pagpu-produce ng pelikula sa pamamagitan ng “Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak” na pinagtambalan nila ni Bembol Roco at pinamahalaan ni Celso Ad. Castillo. Ang nasabing pelikula ay nakapagbigay kay Vi ng Dalawang Best Picture trophies mula sa FAMAS at sa Gaward Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Ang mga sumunod na taon ay parang namumulot na lamang si Vi ng mani sa kanyang pagtanggap ng Best Actress awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies para sa mga pelikulang “Nakakahiya,” “Burlesk Queen,” “Karma,” “Pakawalan Mo Ako,” “Relasyon,” “Broken Marriage,” “Sister Stella L.,” “Tagos sa Dugo,” “Ibulog Mo Sa Diyos,” “Imortal,” “Ipagpatawad Mo,” “Sinungaling Mong Puso,” “Dolzura Cortez Story,” “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa,” “Anak,” “Dekada `70,” “Mano Po 3,” “In My Life,” “Extra” (which she also produced), “Everything About Her” and her 2023 Metro Manila Film Festival movie “When I Met You in Tokyo”. Labas pa ang mga ito sa mga special awards na kanyang tinanggap mula sa magkakaibang organisasyon at award-giving bodies.

Bukod sa pelikula, maraming taon ding naging bahagi si Vi ng telebisyon sa pamamagitan ng “Dulambuhay ni Rosa Vilma,” “The Sensations,” “Vilma” and her special performance in “Once There Was A Love” at sa episode ng “Maalaala Mo Kaya” sa episode ng “Regalo” na nagbigay rin sa kanya ng iba’t ibang parangal.

Kung mahigit anim na dekada na si Vi sa industriya ng pelikulang Pilipino, 21 years din ang kanyang ginugol sa public service na kanyang sinimulan noong 1998 nang siya’y pumasok sa pagka-mayor ng Lipa na kanyang pinaglingkuran ng siyam na taon o tatlong termino. Siyam na taon din siyang naging gobernador ng Batangas mula 2007 hanggang 2016 habang isang term or three years naman bilang kinatawan ng 6th district ng Batangas mula 2016 hanggang 2022.

Turning 71 on November 3, ang nominasyon at pagsulong kay Vi bilang National Artist for Film and Broadcast ay magsisilbing maagang pa-birthday sa kanya.

Vi is married to Finance Secretary Ralph Recto with whom she has a son na Ryan Christian habang ang kanyang panganay na si Luis Manzano ay anak naman niya sa kanyang dating husband, ang actor na si Edu Manzano.

Although aabutin na isang taon ang proseso ng nominasyon, very confident ang AktorPH chairman, actor, host, film producer and entrepreneur na si Dingdong Dantes at lahat ng iba’t ibang individual, grupo at sektor na sumusuporta at nagsusulong sa move na ito na maisakatuparan ang pagiging National Artist ni Vi.

Relasyon nina Donnalyn at JM lantad na

JMJM1JM2ALTHOUGH nung taong 2022 pa napapabalita ang relasyon ng actor at singer na si JM de Guzman (35) at ang Viva singer-songwriter, actress at vlogger na si Donnalyn Bartolome (29), it was only recently confirmed ni Donnalyn sa kanyang Instagram account kung saan niya ibinalita ang kanilang one-year anniversary bilang magkasintahan at ang pagpapalitan nila ng promise rings.

Alam naman ng marami ang mga pinagdaanan ni JM sa kanyang personal na buhay at kasama na rito ang kanyang struggle with drugs at pagpapa-rehab, pero ito’y lahat tinalikuran ng singer-actor at nag-focus nang husto sa kanyang career kung saan siya kinikilala bilang isang mahusay na actor.

Since magti-36 na si JM sa darataing na September 9 at mati-30 naman si Donnalyn sa July 9, naniniwala kami na sumasagi na rin sa kanilang usapan ang planong pagpapakasal balang araw lalupa’t masaya at may sarili nang pamilya ang kanyang ex-girlfriend, ang aktres na si Jessy Mendiola.

Hindi rin kami magtataka kung mada-dagdagan ang promise ring na suot ng dalawa to engagement ring (kay Donnalyn) and eventually wedding rings.

Ryan engaged na sa Filipina girlfriend

RyanRyan1Ryan2ENGAGED na ang 33-year-old actor-comedian, host and entrepreneur Korean na si Ryan Bang sa kanyang girlfriend of one year, ang non-showbiz na si Paula Huyong matapos itong ibahagi ng huli sa kanyang Instagram account.

Dalawang beses nang ipinakilala ni Ryan ang kanyang kasintahan sa hiwalay niyang parents sa South Korea at sa ikalawang beses ay kasama na ni Paola ang kanyang parents.

Matagal-tagal na ring pinangarap ni Ryan na magkaroon ng Filipina girlfriend at ito’y naisakatuparan kay Paola na very supportive sa kanya at sa kanyang karera.

Kahit separated na ang parents ni Ryan, he makes it a point na magkasama ang dalawa over lunch or dinner sa tuwing bumibisita siya ng South Korea. Magkasama rin ang parents ng Korean actor-comedian, host at entrepreneur nang ipakilala niya ang kanyang nobya sa kanila.

Ang ‘nanay-nanayan’ ni Ryan in showbiz na si Vice Ganda ay masaya para sa kanyang `anak-anakan’.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE