Vilma

Vilma nominado bilang National Artist, isinusulong ng AktorPH

June 28, 2024 Eugene E. Asis 82 views

ISINUSULONG ng Aktor PH (League of Filipino Actors) para mabigyan ng National Artist award ang ,”Star for All Seasons” na si Vilma Santos.

Nagsimula bilang child actress sa edad na 9 sa pelikulang “Trudis Liit” (1963), kung saan siya nanalong Famas Best Child Actress, ang naturang nominasyon ay bilang pagkilala sa kanyang natatanging kontrobusyon sa pelikulang Pilipino sa loob ng anim na dekada.

Ayon sa grupong Aktor, ang katangi-tangi niyang husay na tumatak bilang bahagi ng kulturang Pilipino ay isang malaking dahilan upoang bigyan siya ng prestihiyosong parangal.

Ilan sa kasalukuyang bahagi ng board of directors ng Aktor ay sina Dingdong Dantes, Jasmine Curtis-Smith, Iza Calzado, Mylene Dizon, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, at Piolo Pascual. Ityinatag noong kasagsagan ng pandemya noong 2020, ang Aktor PH ay naglalayong maipahayag ang mga isyu at problema ng mga mangagagawa ng pelikulang Pilipino.

Ayon sa grupo, narito ang ilan pa sa mga dahilan ng kanilang pagsusulong ng National Artist award nomination kay Vilma:

Hindi matatawaran ang kanyang husay mula sa pagganap ng mga iconic role tulad ng Darna at Dyesebel hanggang sa mahirap na paglalarawan ng mga karakter na may kamalayang panlipunan sa “Sister Stella L,” 1984, “Dekada ’70,” “Bata Bata Paano Ka Ginawa?”, “Burlesk Queen,” noong 1977, “Because I Love You: The Dolzura Cortez Story,” 1992, “Pahiram ng Isang Umaga,” 1989 at “Rubia Servios” noong 1978.

At bilang aktres, nagwagi na rin siya ng maraming awards mula sa mga kinikilalang lokal na parangal tulad ng Gawad Urian, FAMAS, Catholic Mass Media, the Metro Manila Film Festival, PMPC Star Awards, at sa mga film festivals sa ibang bansa tulad ng Brussels at Dhaka.

Bukod sa kanyang acting career, nagawa rin niyang makatawid sa larangan ng paglilingkod sa bayan bilang mayor, governor, at congresswoman, kung saan din siya nagpakita ng husay at malalim na commitment sa kanyang mga nasasakupan.

At dahil dito, ginmawaran din siya ng Presidential Lingkod Bayan award, ang pinakamataas na karangalan para sa isang public servant sa Pilipinas.

Isang inspirasyon para sa mga kasahan sa industriya, kinakatawan niya ang isang gintong pamantayan na nararapat tingalain at hangaan.

Ang Order of National Artists (ONA), na itinatag noong 1972, ay kumikilala sa mga Pilipino na nakagawa ng “significant contributions to Philippine arts and letters.” Ibinibigay ito tuwing ikaapat na taon sa pitong kategorya: Music, Dance, Theater, Contemporary Arts, Literature, Film and Broadcasting/Broadcast Arts, at Architecture, Design, and Allied Arts.

Ang susunod na National Artists ay ihahayag sa 2026. Kung mapararangalan, si Vilma ay kikilalanin sa kategorya ng Film and Broadcasting/Broadcast Arts.

Noong 2022, ilan sa mga kinilalang National Artists para sa naturang kategorya ay sina Nora Aunor, movie and theater actor Tony Mabesa, screenwriter and playwright Ricky Lee, at ang director and screenwriter na si Marilou Diaz-Abaya.

AUTHOR PROFILE