Vilma binati si Nora bilang National Artist

June 14, 2022 Aster Amoyo 510 views

IPINAABOT ng Star for All Seasons-turned politician na si Vilma Santos ang kanyang pagbati sa mga bagong nahirang na 2022 National Artist na inaprubahan ng outgoing President Rodrigo Duterte na pinangunahan ng kanyang arch rival, ang superstar na si Nora Aunor.

Bukod kay Guy (Nora) ay kasama rin sa walong nahirang na bagong National Artist sina Ricky Lee (Film), Fides Cuyugan-Asensio (Music), Gemino Abad (Literature), Salvacion Lim Higgins (Fashion), Agnes Locsin (Dance) at ang mga yumaong sina Marilou Diaz-Abaya (Film) at Tony Mabesa (Theater).

Inaasahan na sa susunod na mga taon o administrasyon ay mahihirang ding National Artist sina Vilma, the late Dolphy, Gloria Romero, Susan Roces , Joel Lamangan, Chito Rono, Louie Ocampo, Rey Valera at iba pa.

Yilmaz

Yilmaz bumawi sa mga anak

SOBRANG bumawi ang Turkish billionaire businessman na si Yilmaz Bektas sa kanyang dalawang anak sa kanyang ex-wife na si Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice since their arrival in Istanbul, Turkey over the weekend. Ito ang unang pagkikita ng mag-aama in 15 years as they were still kids nang umuwi sila from Turkey to Manila.

Bukod sa kanilang ama, nagkaroon ng instant bonding ang magkapatid na Lorin at Venice sa kanilang half-sister at iba pang mga kaanak doon.

Magmula nang dumating sa Istanbul ang magkapatid na Lorin at Venice ay walang araw na hindi sila magkakasama ng kanilang ama at pamilya nito. Kitang-kita sa mag-aama ang kanilang pagkasabik sa isa’t isa. Ito na marahil ang happiest moments sa kanila.

Kahit naiwan sa Pilipinas, masayang-masaya si Ruffa for her two daughters.

Since malalaki na sina Lorin at Venice at in-allow na sila ng kanilang inang muling makipagkita sa kanilang ama, tiyak na mas mapapadalas na ang reunion ng mag-aama in the future.

Ang muling makasama at makapiling sina Lorin at Venice after 15 years ay magsisilbing priceless advance birthday gift kay Yilmaz who will be celebrating his 45th birthday on July 19.

Yilmaz is currently married to 2006 Miss Universe, Zuleyka Rivera of Puerto Rico.

Wilbert

Wilbert okey lang tawaging bold actor

HINDI apektado ang dating miyembro ng all-male dance group na Hashtags, ang singer-songwriter-turned sexy actor na si Wilbert Ross na siya’y mataguriang bold actor dahil sa mga ginagawa nitong pelikula ngayon tulad ng “Ang Crush kong Curly,” “Boy Bastos” and his latest na “High (School) on Sex,” all streaming on Vivamax app.

Although singing ang kanyang first love, sinubukan din niyang maging dancer sa pamamagitan ng Hashtags.

Sumubok din noon si Wilbert na sumali sa “Pinoy Boyband Superstar” maging sa reality talent show na “Pinoy Big Brother” pero hindi siya pinalad. Umaasa siya na mabibigyan din siya ng pagkakataong ma-recognize ang kanyang acting balang araw.

Claudine

Claudine kailangang magpapayat

MAY isang biological child ang ex-couple na sina Claudine Barretto (42) at Raymart Santiago (48) na si Santino (14) at may isa silang adopted child, si Sabina (17).

Pitong taon ding nagsama bilang mag-asawa sina Claudine at Raymart bago sila nagkahiwalay nung 2013. After the break-up, muling nag-adopt ang actress ng dalawa pang bata na sina Quia (7) at Noah (5).

Aminado ang aktres na ang kanyang apat na anak ang nagbibigay sa kanya ng priceless job bilang isang ina.

Si Claudine ay huling napanood sa kanyang reunion movie with her ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez sa pelikulang “Deception” na dinirek ni Joel Lamangan and produced ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio and released by Viva Films on Vivamax streaming app early this year.

But Claudine has to lose some weight kung gusto nitong maging aktibong muli sa kanyang acting career.

Hindi naman siya pinalad sa kanyang first attempt sa larangan ng pulitika nang siya’y kumandidato sa pagka-konsehal in Olongapo City sa nakaraang halalan.

Since nakatira si Claudine in Quezon City for the longest time, dapat sa Quezon City siya unang tumakbo.

Joel

White House ni Joel Cruz sa Baguio open na sa public

ANG tinaguriang Lord of Scents While House na matatagpuan sa Camp John Hay in Baguio City ay isa lamang sa maraming properties ng perfume czar na si Joel Cruz. Ang nasabing lugar ay isa na sa mga itinuturing na tourist spot ng siyudad.

Ang Baguio mansion ni Joel ay isa na ngayong Boutique Hotel at puwedeng rentahan nang buo o individual rooms for various events or family affairs o ng mga bakasyunista at turista sa lugar.

The four-storey mansion stands on a 3,000 square meters lot in Camp John Hay.

Tunghayan ang aming eksklusibong panayam sa “Lord of Scents” na si Joel sa kanyang mansion in Baguio City ngayong Biyernes, June 17 at 12 noon sa aming “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Huwag kaligtaang mag-subscribe, like and share and press the bell icon for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE