Default Thumbnail

Video ni PBBM peke, mga nagpakalat pinatutugis ng US

July 22, 2024 Chona Yu 134 views

FAKE video.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang at Department of National Defense sa kumakalat na video na gumagamit ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Presidential Communications Office, kaduda-duda ang pagpapalabas ng video na galing sa grupong Maisug at inilabas sa isang rally sa Los Angeles sa Amerika.

“The obviously fake video being circulated emanating from a MAISUG gathering in Los Angeles is again a maliciously crude attempt to destabilize the administration of President Ferdinand Marcos Jr. They will not succeed,” pahayag ng PCO at DND.

“Even the release of the contrived video in the USA is a cowardly attempt to escape Philippines criminal jurisdiction,” saad ng statement.

Kasabay nito, hinikayat na ng pamahalaan Pilipinas ang pamahalaan ng Amerika na imbestigahan ang nagpakalat ng video.

“We urge the proper US authorites to investigate and bring to justice the perpetrators of this disgusting act,” saad ng statement.

AUTHOR PROFILE