Default Thumbnail

Video ni Mommy Min bumenta sa KathDen fans

October 8, 2024 Vinia Vivar 220 views

Proud na ibinahagi ng nanay ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min ang isang video kung saan ay makikitang karga-karga ni Alden Richards ang apo niyang si Qyona.

Sa mga higit na nakakakilala kay Kathryn, alam nila na si Qyona ay pamangkin ng aktres, anak ng kapatid niyang si Chrysler.

Isinama ni Mommy Min si Qyona sa mall show ng KathDen para sa promo ng “Hello, Love, Again” at makikita nga ito sa kanyang post sa Instagram.

Sa caption ni Mommy Min ay pinasalamatan niya ang KathDen para sa first mall show ni QC. “Tito Tisoy” pa ang tawag niya kay Alden.

“#HelloLoveAgain … thanks tita Kath and tito Tisoy for QQ’s first mallshow experience…. ‘til next!” sey ng mudra ni Kath.

Sa reel ay makikitang tuwang-tuwa si Alden habang karga-karga si QC at ganundin naman ang bagets na nakayakap pa sa kanya.

Needless to say, kinilig na naman ang KathDen fans sa nakitang videos and photos.

WASAK SA PAGKAWALA NG FUR BABY

Wasak ang puso ni Kylie Padilla ngayon dahil sa pagkamatay ng kanyang fur baby.

Sa isang reel na ipinost ng aktres ay makikita kung paano nila inilibing ang alagang Golden Retriever.

“Sometimes the kindest souls come not in human form but in a furry companion and you were the kindest. Thank you for being a blessing to our family. We love you,” caption ni Kylie.

Makikita naman sa video na gumawa rin ng letter ang dalawa niyang anak na sina Alas at Axl para sa pumanaw na alaga.

Mababasa ang isang card na ang nakalagay ay “I love you Bakti” habang ang nakasulat naman sa isang notebook ay, “I wish Bakti will be okay in heaven and please God take (care) of Bakti.”

AUTHOR PROFILE