
Vice naniniwalang may demolition job laban sa ‘It’s Showtime’
Naniniwala si Vice Ganda na may demolition job na nagaganap against “It’s Showtime” at ikinakalat na hanggang December na lang mapapanood ang kanilang show.
“Well, there really was or there really is a demolition job against ‘It’s Showtime,’” pahayag ni Vice sa report ng ABS-CBN.
“Pero hindi naman natin sasabihin kung kanino nanggagaling ’yun. ‘Yung ginagawa sa social media, demolition job ‘yun, ‘di ba? Nu’ng mga trolls, demolition job ‘yun, eh. Meron silang masamang intensyon at balak kaya demolition job ‘yun,” dagdag niya.
Aniya pa, marahil ay gusto ring makuha ng iba ang kanilang posisyon ngayon kaya nagkakaroon ng ganyang paninira.
“Maaaring kami ay may kakayahan o nasa isang posisyon na gustong maranasan at makuha din ng iba. At para makuha nila ’yun, kailangan nilang subukan ‘yung ganu’ng ruta. Kailangan natin mabasag at makuha ‘yung kung anong meron sa kanila,” ani Vice.
Sa rami nga ng pinagdaanan ng show, aniya ay pinatatag na sila ng panahon.
“We just have to deal with it and we just have to keep on going,” saad ng TV host.
“Kaming lahat sa dami nang pinagdaanan namin, I believe that our team is strong enough to be able to battle all these negativities, challenges and threats together. It will be hard kung hindi kami magkakasama. Kaya ‘yun ang lagi naming pinananatili at tinatawid. Kailangan magkakasama tayo,” pahayag pa ni Vice.