Vice

Vice, Joey, Coco, Jodi, Ian at Toni, bakbakan sa MMFF 2022

July 9, 2022 Ian F. Fariñas 394 views

OPISYAL nang inilabas ng Metro Manila Film Festival Selection Committee ang listahan ng unang apat na pasok sa taunang event sa Disyembre.

Ang apat na pumasa base sa script submission ay ang Labyu with an Accent ng ABS-CBN Film Productions starring Coco Martin and Jodi Sta. Maria; Nananahimik ang Gabi ng Rein Entertainment Productions starring Ian Veneracion, Mon Confiado and Heaven Peralejo; Partners in Crime by ABS-CBN Film Productions starring Vice Ganda and Ivana Alawi; at ang The Teacher ng TEN17P ni Direk Paul Soriano at pinagbibidahan nina Joey de Leon at Toni Gonzaga.

Sa 48th year ng MMFF ngayong 2022, hatid nito ang mensahe na “Balik Saya,” para muling hikayatin ang mga manonood na bumalik na sa panonood ng pelikula sa mga sinehan sa panahon ng Kapaskuhan.

Sina Boots Anson-Rodrigo at Jesse Ejercito ang tumatayong chairman at vice-chairman ng MMFF Selection Committee, respectively.

Ayon sa MMFF, ang deadline ng submission para sa finished films ay sa September 2 para sa early birds at September 30 naman para sa regular submission.

Mula rito pipiliin ang apat pang bubuo sa official eight entries this year.

AUTHOR PROFILE