
Vice, inatake ng vertigo!
Inatake ng vertigo si Vice Ganda habang nasa live episode ng It’s Showtime last Friday at kinailangan niyang mag-exit muna sa show.
Nakasama pa ang TV host sa opening ng show pero sa mga sumunod na segment ay hindi na siya nakita pa.
Bumalik lang si Vice during the last portion, sa “Tawag ng Tanghalan” segment at dito niya ipinaliwanag kung bakit siya biglang nawala.
“Pasensya na, madlang people. Vinertigo ako. Vinertigo ako kaya kailangan kong humiga sa madilim na lugar dahil ako’y babagsak kanina,” paliwanag ni Meme Vice.
“Buti na lang, vinertigo ako sa dressing room, hindi sa stage, kasi kung hindi… I’m better now,” tsika pa niya.
Pinapauwi na nga raw siya para makapagpahinga pero nanghihinayang siya sa outfit niya kaya sumalang siya.
“Pinapauwi nila ako, pero sayang ho kasi ‘yung outfit ko. Sabi ko, ‘Hindi, sasalang ako, isang body pa ‘ko. In-effort ko ‘to, ‘no! Pero I’m better now, wala na ‘yung vertigo,” sey ng Unkabogable Star.