Ryan1

Vice Ganda: ‘Ryan and Paola deserve each other’

June 30, 2024 Aster Amoyo 72 views

RyanRyan2Ryan3Ryan4NOT everybody knows na ang isa sa mga dahilan kung bakit ipinadala Pilipinas ng kanyang ina ang teen-ager pa noong si Ryan Bang (Bang Hyun-sung in real life) ay para makaiwas sa military service.

Ryan was 14 nang magkahiwalay ang kanyang parents nung 2005. He was 17 when he was sent to the Philippines at tumira sa kaibigan ng kanyang ina. Naging struggle ang kanyang pananatili sa Pilipinas lalupa’t wala siyang magulang na kasama para siya’y gabayan.

Nag-iba lamang ang takbo ng kanyang buhay nang siya’y mapasama sa reality show na “Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010” where he finished off 1st runner up at naging simula ng kanyang pagpasok sa showbiz. Kahit bulol at baluktot pa noon magsalita ng Tagalog si Ryan ay hindi ito naging sagabal sa kanyang pangarap to make it good sa pinasok na showbiz career sa Pilipinas.

Si Vice Ganda ang tumayong `fairy godmother’ ni Ryan at ito na ang tumayo niyang `nanay-nanayan’ since then.

Kaya ito ang unang nakaalam sa recent proposal nito sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong. Kay Vice din unang ipinakilala ni Ryan ang kanyang nobya.

Hindi napigilan ni Vice ang mapaiyak nang malaman niya ang engagement ng kanyang anak-anakan na si Ryan. But it was tears of joy dahil alam niya kung gaano kabait ni Ryan at kung gaano nila ka-deserve ni Paola ang isa’t isa.

Sobrang masaya si Vice for Ryan and Paola.

Although hindi traditional sa Korea ang pamanhikan tulad sa Pilipinas, ginawa pa rin nito ni Ryan nang imbitahan niya ang parents ni Paola na makilala ang mga magulang ng actor-host.

Natutuwa rin si Ryan na kahit matagal nang hiwalay ang kanyang parents ay nagagawa pa rin niyang pagsamahin ang dalawa sa isang espesyal na okasyon tulad nang ipakilala niya ang kanyang nobya sa kanyang parents in Korea at nang ipakilala rin niya ang pamilya ni Paola sa kanyang parents.

Kahit sa Seoul, Korea isinilang, nagkaisip at lumaki si Ryan, hindi nito ikinakaila ang kanyang pagkakaroon ng `pusong Pinoy’ kaya hanggang ngayon ay narito pa rin siya sa Pilipinas kung saan nakatayo ang kanyang mga negosyo at kung saan din siya bubuo ng sariling pamilya.

Bukod kay Vice Ganda, ipinakilala na rin ni Ryan sa kanyang “It’s Showtime” family ang kanyang girlfriend na nakilala niya sa isang football game.

Bukod sa football, maraming common interests sina Ryan at Paola at kasama na rito ang pagta-travel at panonood ng concerts ng mga paborito nilang singers and concert performers (both local and foreign).

Parehong suwerte sa isa’t isa sina Ryan at Paola dahil bukod sa mabait at masipag ang actor-host, nagmula naman sa isang may kayang pamilya si Paola na nagtapos ng pag-aaral sa Assumption College, took her master’s degree at the Asian Institute of Management and took up futher studies at Yale University in the U.S. at sa Ayala, Alabang nakatira. Si Paola ay nagta-trabaho sa isang advertising agency.

Pormal na ipinakilala ni Ryan sa iba pa niyang mga kaibigan ang girlfriend nang buksan ang kanyang Korean restaurant, ang Paldo in Quezon City nung nakaraang February 2024 na sinundan ng pagbubukas nung March 16, 2024 ng Mexican-themed Siesta Horchata Café na joint business venture ng engaged couple.

Back in South Korea, house broker ang trabaho ng ina ni Ryan habang dating government employee at ngayon ay nagda-drive ng sarili nitong taxi ang ama ng actor-comedian at host.

Malaki naman ang maitutulong ni Paola sa mga negosyong itinayo ni Ryan dahil sa kanyang expertise in business management.

Nagpapasalamat din si Ryan sa parents ni Paola dahil tinanggap siya ng mga ito bilang bahagi na ng kanilang pamilya.

Samantala, bukod kay Vice Ganda, masaya for Ryan ang kanyang mga kasamahan sa “It’s Showtime” family.

Although hindi pa nagbibigay sina Ryan at Paola ng petsa ng kanilang kasal, ito’y mangyayari umano sa Pilipinas at tiyak na dadalo ang estranged parents ng Korean singer, actor-comedian, host, vlogger at entrepreneur.

Ryan is 33 at 28 naman si Paola.

Slater at Kryz tatlong lalaki na ang anak

PicPic1PAGLAKI ng mga bata, puwede nang magtayo ng basketball team ang ex-PBB Big Winner-turned actor, entrepreneur and engineer from Cebu na si Slater Young matapos magsilang ang kanyang content creator wife na si Kryz Uy ng kanilang pangatlong boy na anak nitong nakaraang Lunes, June 22 na kanilang pinangalanang Saxon Kent. Ang dalawang naunang boys ng mag-asawa ay sina Scottie (4) at Sevi (2).

Taong 2012 nang sumali si Slater sa reality talent show na “Pinoy Big Brother: Unlimited” kung saan siya ang tinanghal ng Big Winner. Ito rin ang naging simula ng kanyang pagpasok sa showbiz until 2014 but decided to focus on his business at pagiging isang engineer sa kanyang hometown in Cebu where he met his wife na si Kryz Uy. The two tied the knot in Cebu City nung February 2019 and had their first baby nung June 2020. Almost two years later ay isinilang naman ang kanilang Baby #2 na si Sevi nung May 2022 at nito lang nakalipas na June 22, 2024 ay ipinanganak naman si Baby #3 na si Saxon Kent.

Although may three boys na ang mag-asawang Slater at Kryz, tiyak na hindi sila titigil hangga’t hindi sila nagkakaroon ng anak na babae.

Tom may bago na, Carla naghihintay pa

TomBALIK sa pagiging single ang dating mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez matapos i-recognize ng court sa Pilipinas ang divorce decree filed by the actor in the US sometime in June 2022, after their celebrated break-up a few months after they tied the knot on October 23, 2021.

Parehong dumanas sa magkaibang emotional pain ang dating mag-asawa pero pareho na silang nakapag-move on at naka-recover.

Tom, who is back in the Philippines after staying in the US with his family, is said to be in new relationship with a non-showbiz girl habang si Carla ay naka-focus ngayon sa kanyang trabaho na siya niyang priority sa ngayon but she is not closing her doors for a possibility to fall in love again.

Since nasa iisang bakuran sa GMA sina Carla at Tom, hindi maiiwasan na magkitang muli ang dalawa.

Bianca at Ruru ayaw nang maghiwalay matapos ang dalawang breakups

HINDI ikinakaila ng “Black Rider” star na si Ruru Madrid na dalawang beses umano silang nag-break ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali pero ayaw na umano niya itong maulit pa.

“Pareho na kaming natuto sa mga pagkakamali namin at dun sa dalawang beses naming paghihiwalay ay marami kaming natutunan,” pag-amin pa ni Ruru nang huli namin itong makausap.

Sigurado na si Ruru na si Bianca na umano ang babaeng nais niyang iharap sa altar balang araw at dito umano niya nakita ang mga katangian na hanap niya na gusto niyang makasana habambuhay at maging ina ng kanyang mga anak.

Dumaan man sa maraming pagsubok ang kanilang relasyon bilang magkasintahan, mas lalo umanong tumatag ang kanilang relasyon at pagmamahal sa isa’t isa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE