
Vice Ganda: Boses ni Anne parang korapsyon, nasanay na lang kami
MULI na namang bumenta ang okrayan sa national television ng tambalan ng “It’s Showtime” hosts na sina Multimedia Superstar Anne Curtis at Box-office Superstar Vice Ganda matapos ikumpara sa “korapsyon” ang boses ni Anne.
Sa episode ng noontime show nitong Huwebes, Agosto 31, sa isang segment nila, humirit ng mga biro si Vice sa kanyang co-host na si Anne tungkol sa pagkanta nito ng “Sana Maulit Muli” ni Gary Valenciano.
“Ang ganda ganda na ng kantahan kanina. Ang ganda na, nag-Darren, nag-Martin, nag-Gary, nag-Eric Santos,” hirit ng Unkabogable star.
“Bakit? Bakit mo ba laging binabasag ’yung trip ko?,” pahayag naman ni Anne.
“Ayaw mong binabasag namin ang trip mo pero lagi mong binabasag ang eardrum namin,” biro pa ni Vice sa aktres.
“Sobra ka naman makapag-salita, ang ganda ganda na kaya ng boses ko. Nagpalakpakan nga ’yung madlang people eh,” sagot naman ng “BuyBust” actress.
“Jusko, nagpalakpakan? ’Yung boses mo parang korapsyon , hindi namin gusto nasanay na lang kami,” wika pa ni Vice.